29th PBA Season di-dribol ngayon
February 23, 2003 | 12:00am
Sasambulat na ngayon ang pinakahihintay na pagbubukas ng 2003 season ng Philippine Basketball Association tampok ang larong inaasahan ng marami na magiging isa sa klasikong labanan sa PBA.
Inaasahang magiging maaksiyon ang laban ng Alaska Aces at Sta. Lucia Realty na magiging pampaganang match para sa All-Filipino Conference sa alas-6:00 ng gabi sa Araneta Coliseum.
Magiging kapana-panabik ang larong ito dahil kay Kenneth Duremdes, ang dating star player ng Alaska na kanilang ipinasa sa Sta. Lucia nitong off season.
Ito ay magandang pagkakataon upang maibuhos ni Duremdes ang kanyang galit kontra sa kanyang dating koponan.
Kapalit ni Duremdes ay ang first round at second round draft pick ng Realtors sa isang blockbuster deal sa araw mismo ng Annual Draft.
Ang labanang ito ay bahagi lamang ng mala-piyestang opening ceremonies ng ika-29th season ng Philippine Basketball Association sa ilalim ng bagong Commissioner na si Noli Eala.
Ekstrabagansang opening ceremonies ang masasaksihan sa opening program na sisimulan sa ganap na alas-4:00 ng hapon sa Big Dome.
Tampok dito ang pag-a-unveil ng bagong logo ng PBA at ang bagong PBA jingle na aawitin ng sikat na singer actress na si Vina Morales.
Kasama ni Morales bilang emcee si Edu Manzano habang mag-pe-perform naman sina Karylle, RJ Rosales, Whipflash Dancers at ang San Beda Choir.
Magkakaroon ng motorcade sa key sport ng Metro Manila kasunod ng isang misa na dadaluhan ng PBA officials, team officials at players.
Mapapanood ng sabay ang PBA sa NBN 4 at IBC-13 ang mga bagong taga-pagsahimpapawid ng liga. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended