^

PSN Palaro

Gonzales namuno sa individual competition

-
Matapos ang team event, lumipat naman ang aksiyon sa individual competiton sa LG Cup Table Tennis Open noong Huwebes kung saan naging madali ang pag-usad ng mga paborito sa round-of-32 ng men’s at women’s singles events sa Rizal Coliseum.

Pinabagsak ni Richard Gonzales, ang isa sa best blocker ng bansa, ng sunud-sunod ang kanyang tatlong kalaban sa elimination round ng event na ito na inorganisa ng Table Tennis Association Hindi nakayanan nina Marco Magpantay, Alex Marfori at Noriel Armenta ang 32-gulang na si Gonzales, nang hindi man lamang maka-iskor ang mga ito ng isang set laban sa 1999 Brunei Southeast Asian Games bronze medalist.

Naipanalo ni Gonzales ang lahat ng kanyang laban sa men’s team competition ngunit tumapos lamang ang kanyang YMCA team bilang runner-up matapos mabigo ang kanyang mga kasamahan laban sa nagkampeong Philipppine Air Force.

Pinangunahan din nina Joseph Cruz, naging bayani ng Air Force sa men’s team competition, at dating national mainstay na si Rebo Cruz ang kani-kanilang grupo upang umusad sa susunod na round.

Nagpasiklab din sina national players Crisanta Abas, Susan Tayag at Sendrna Balatbat sa women’s singles competition.

Ang magkakampeon sa men’s at womens division ay mananalo ng P20,000, P10,000 sa second placer at P5,000 sa third.

Ang iba pang events ay men’s at women’s doubles na may kabuuang P24,000 para sa top three winners, mixed doubles (P12,000) at boys’ at girls’ singles (P48,000).

Ang awarding ceremonies ay gaganapin ngayon pagkatapos ng lahat ng events.

vuukle comment

AIR FORCE

ALEX MARFORI

BRUNEI SOUTHEAST ASIAN GAMES

CRISANTA ABAS

CUP TABLE TENNIS OPEN

GONZALES

JOSEPH CRUZ

MARCO MAGPANTAY

NORIEL ARMENTA

PHILIPPPINE AIR FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with