Malaking tulong si Peña sa SMBeer
November 26, 2002 | 12:00am
Para sa isang defending champion, mahirap mag-implementa ng bagong sistema para sa pagdedepensa ng iniingatang korona.
Gayunpaman, medyo kinapitan ng buwenas ang San Miguel Beer patungo sa magandang landas na kanilang tinatahak.
Sa kabila ng pagkakasideline ni Danny Seigle bunga ng torn Achilles tendon, nagawa pa ring mangunyapit ng Beermen sa itaas ng liderato ng kasalukuyang Philippine Basketball Association Selecta All-Filipino Cup dahil sa tulong ng isang tao.
At ang naging susi sa magandang kapalaran ng Beermen ay si Dorian Peña.
Sa katunayan, ang dalawang sunod na panalo ng San Miguel noong Nov. 18-24 ang siyang naghatid kay Peña para maitatag ang kanyang sarili bilang Player of the Week.
"Hes really been improving and he has helped us a lot, especially with his hustle plays and inside presence," ani San Miguel coach Jong Uichico, na umamin na ang kanyang koponan ay mayroong mga oras na natataranta sa paggamit ng bagong sistema na siyang iniimplementa.
At sa 82-79 panalo ng Beermen kontra sa Talk N Text noong Biyernes kung saan ang laro ay nauwi sa overtime, umiskor si Peña ng 17 puntos bukod pa ang kinanang 17 rebounds sa 39 minutong paglalaro.
Tumulong rin siya na masupil si Asi Taulava sa pamamagitan ng mga supalpal kung saan ang Phone Pals center ay tumapos lamang 12 puntos at anim na rebounds.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended