^

PSN Palaro

Crisano, sinandalan ng Phone Pals

-
Sa nakalipas na linggo, hindi gaanong sumandig ang Talk ‘N Text sa serbisyo ni Asi Taulava kung saan ang mga bagay-bagay ay umiba ang ihip ng hangin.

At sa hindi gaanong pagdepende kay Taulava ng Phone Pals, nagbigay naman ito ng magandang bunga dahil sila ang kauna-unahan na gumapi sa Red Bull sa Philippine Basketball Association Selecta All-Filipino Cup at ang lahat ng ito ay mula sa tulong ng dalawang manlalaro.

Isa sa nasabing manlalaro si Alex Crisano na siyang gumiya sa Phone Pals nang kumana ito ng walong puntos sa third canto upang putulin ang winning streak ng Thunder.

Ngunit hindi nag-iisa si Crisano na tumulong sa Phone Pals para gapiin ang Red Bull. Humataw rin ang bagong recruit na si Bong Alvarez nang pumukol ito ng limang triples sa first half upang di gaanong mapag-iwanan ng Thunder.

Pero dahil sa mas intensibong ipinakita ni Crisano na tumapos ng 16 puntos siya ang nahirang na Player of the Week mula Nov. 11-17 kung saan kanyang ginapi sina Dondon Hontiveros at Nic Belasco ng San Miguel at Edwin Bacani at Chris Calaguio ng Shell.

vuukle comment

ALEX CRISANO

ASI TAULAVA

BONG ALVAREZ

CHRIS CALAGUIO

CRISANO

DONDON HONTIVEROS

EDWIN BACANI

N TEXT

PHONE PALS

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with