^

PSN Palaro

Maghahabol ang John O

FREE THROWS - AC Zaldivar -
MASAKIT na rin itong nangyayari sa John O. Biruin mong dalawang pagkatalo na kaagad ang nalalasap ng tropa ni coach Manny Dandan sa kasalukuyang Philippine Basketball League (PBL) Challenge Cup.

At siyempre pa, frustrating iyon lalo’t iisiping ang John O ay nagkampeon sa nakaraang PBL-CBF Dual Meet na ginanap noong isang buwan. Sa torneong iyon ay napatunganga ang karamihan dahil sa build-up na ginawa ni Dandan.

Kumpletos-recados ang John O matapos na makuha ang matitinding manlalarong sina Ricky Calimag, Leo Bat-Og, Mark Macapagal, Clarence Cole, Celino Cruz, Edrick Ferrer at Al Vergara. At siyempre pa, nasa kanilang poder si Ranidel de Ocampo na itinuturing na isa sa promising big men ng PBL!

Matapos na magkampeon sa PBL-CBF Dual Meet ay maraming nagsabing malamang na isunod ng John O ang Challenge Cup.

Pero teka, mukhang nabuksan ang mata ng ibang koponan bunga ng pamamayagpag ng John O sa PBL-CBF Cup. Nagpalakas ang ibang teams samantalang ang John O ay nanatiling intact. Hindi kumuha ng bagong manlalaro ang John O buhat sa Draft dahil sa marahil naisip nito na tama na ang chemistry ng team. Handang-handa na sila.

Puwes, nagbago bigla ang ihip ng hangin.

Sa unang laro ng John O sa Challenge Cup ay nakasagupa nito ang nagbabalik na Welcoat House Paints at nakalasap ng masaklap na 81-66 pagkatalo. Mukhang namalahibo sa larong iyon si de Ocampo nang makatapat niya ang beteranong si Romel Adducul.

Kumbaga’y parang nagkumpiyansa din ang John O kontra Welcoat dahil baka inakala ng tropa ni Dandan na mangangapa muna ang House Paint Masters. Hindi nga ba’t kadarating lang ni Adducul at hindi pa naman ganoon katagal ang ginugugol ng House Paint Masters sa paghahanda para sa torneong ito. Kailan lang binuo ni coach Leovino Austria ang kanyang koponan.

Kaya naman parang papetik-petik ang simula ng John O. Hayun at nagsisi sila sa dakong huli dahil pinabayaan nilang umalagwa agad ang kalaban at nahirapan na silang makabawi.

Wake-up call iyon para kay Dandan. Pero mukhang hindi tumunog ang alarm clock, eh.

Kasi, sa sumunod nilang laro kontra sa Montana Pawnshop noong Sabado ay naiwan na naman ang John O sa first quarter pa lamang kung saan nakalamang ang Jewelers ng 13 puntos. Bunga nito’y naghabol nang naghabol ang John O at nagawa naman makalamang 82-81. Pero dalawang sunod na baskets ni Gary David ang nagbigay ng 85-82 panalo sa Montana at bumagsak sa 0-2 record ang John O.

Masakit talaga iyon lalo’t iisiping maikli lang ang torneong ito. Bale single round robin lang sa pagitan ng siyam na koponan ang mangyayari at pagkatapos ay aakyat sa upper bracket ang top four. Ang mga koponan sa lower bracket ay magkakaroon ng mas mahirap na landas tungo sa Finals.

Sa ngayon siguro ay pagsasabihan ni Dandan ang kanyang mga bata na kailangang sa umpisa pa lang ng laro ay pumukpok na sila nang husto dahil mahirap talagang maghabol.

Dapat ay kalimutan na nilang nagkampeon sila sa PBL-CBF Cup. Panibagong torneo na ito, eh.

vuukle comment

AL VERGARA

CELINO CRUZ

CHALLENGE CUP

CLARENCE COLE

DANDAN

DUAL MEET

HOUSE PAINT MASTERS

JOHN

JOHN O

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with