2-0 sa Red Bull at Talk 'N Text

Kapwa nakalapit sa kampeonato ang defending champion Batang Red Bull at Talk ‘N Text Phone Pals matapos ang kanilang magkahiwalay na tagumpay sa Game-Two ng kani-kanilang semifinal series sa Samsung-PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum

Natakasan ng defending champion Ba-tang Red Bull hindi lamang ang pakikipagsalpukan sa court sa San Miguel Beer kundi pati na rin ang salpukan sa labas ng court upang maitakas ang 83-80 panalo sa unang laro.

Magiting namang nakipaglaban ang Phone Pals kontra sa Alaska Aces, 87-79 sa ikalawang laro.

Kapwa hawak ngayon ng Thunder at Talk ‘N Text ang 2-0 bentahe sa kani-lang best-of-five semifinal series at ang kanilang tagumpay sa Miyerkules ay magtatakda sa kanilang best-of-seven titular showdon.

Pinigilan ng Thunder ang ‘shooting spree’ ng Beermen upang prenu-han ang kanilang paghahabol na siyang naging daan upang makamit ng Red Bull ang 2-0 bentahe sa best-of-five semis series at mangangailangan na lamang ng isang panalo upang makapasok sa best-of-seven championship round.

Nagkakagirian na sina Mott at Lang sa kaagahan pa lamang ng labanan at nang mag-halftime, sinugod ni Mott si Lang at sinakal ito. At ayon pa sa mga nakasaksi, tumulong pa ang kapatid ni Mott at ang kasamang kaibigan na siyang nagsalya kay Lang sa ding-ding.

Nakisama din sa kaguluhan si Talk ‘N Text coach Bill Bayno na nakasaksi ng rambulan hanggang sa ito naman ang nakasagutan ni San Miguel assistant coach Art dela Cruz na nagpalitan ng maanghang na salita.

Kahit nasakal na si Lang, nagawa pa rin nitong pangunahan ang Red Bull sa paghakot ng 32-puntos, 13 nito ay sa ikalawang quarter. (Ulat ni CVO)

Show comments