^

PSN Palaro

Bayno, pinagmulta ng P200,000

-
Napakalaking multa ang nakatakdang ibayad ni Talk ‘N Text coach Bill Bayno dahil sa mga masamang binitiwang pahayag nito noong Linggo kontra sa PBA.

Si Bayno ay ipinatawag ni PBA Commissioner Jun Bernardino kahapon ng umaga upang magpaliwanag hinggil sa pagsasabing ang PBA ay isa ng San Miguel Basketball Association kung saan ina-akusahan ng Amerikanong coach na ang mga referees ay tumatawag ng pabor sa Beermen na dahilan upang magwagi sila ng ilang kampeonato.

Ayon kay Bernardino, si Bayno ay kanilang pinagmulta ng P100,000 dahil sa ginawa nitong pagbatikos sa amendments na ginawa ng PBA Board of Governors, sa Constitution and By Laws na nagbibigay karapatan sa San Miguel Corporation na mag-may-ari ng apat na koponan.

Pinagmulta rin ni Bernardino ang kontrobersiyal na Amerikanong mentor ng P20,000 sa bawat pahayag na direkta niyang binitiwan sa Office of the Commissioner at sa mga koponan ng San Miguel, Barangay Ginebra, Purefoods at Coca-Cola na nagkakahalaga ng P100,000 at kabuuang P200,000 ang siyang pinakamalaki sa kasay-sayan ng liga na ipinataw sa PBA coach.

Sinamantala rin ni Bernardino ang pagkakataon at kanyang pi-nagsabihan si Bayno na ipokus na lamang nito ang kanyang atensiyon sa paggiya ng kanyang koponan sa halip na kuwestiyunin ang regulasyon ng liga.

Matatandaan na sinabi ni Bayno sa isang post-match interview noong Linggo matapos ang kanilang laban kontra Alaska Aces na kanilang pinagwagian na mas nais niyang muling makaharap sa quarterfinals ang San Miguel sa liga ng San Miguel Basketball Association dahil ang lahat ng tawag ay pabor sa kanila.

Samantala, kasalukuyang naglalaro ang Batang Red Bull at Shell Velocity, habang sinusulat ang balitang ito. (Ulat ni Maribeth Repizo)

ALASKA ACES

AMERIKANONG

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

BAYNO

BERNARDINO

BILL BAYNO

BOARD OF GOVERNORS

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with