4th win kuha ng St.Francis sa 3rd Asian University Cagefest

Inirehistro ng nagdedepensang kampeon na St. Francis of Assisi College Doves ang kanilang ikaapat na panalo makaraang itala ang 73-63 tagumpay kontra sa SSC Stags kahapon sa 3rd Asian University Basketball championships sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang panalo ng Doves ay naging sapat na upang maidepensa nila ang titulo kontra sa wala pa ring talo na Yon Sei University of Korea na kasalukuyang naglalaro pa habang sinusulat ang balitang ito.

Nakatakdang magsagupa ang St. Francis at Korea ngayong alas-5 ng hapon pagkatapos ng laban ng UST Tigers at SSC Stags sa alas-3:30 ng hapon.

Nauna rito, ginamit ng National University of Taipei ang kanilang 100% sa freethrows tungo sa 89-81 overtime na panalo kontra sa University of Santo Tomas Tigers.

Show comments