Lauderdale pinalitan ng FedEx, lumagpas sa height limit

Bigo ang Federal Express na makuha ang serbisyo ng 7-foot-3 na si Priest Lauderdale dahil lumampas ito sa itinakdang height limit ng PBA para sa pagbubukas ng kanilang ikalawang kumperensiya, ang Commissioner’s Cup sa Linggo, Hunyo 16.

At ang pumalit sa kanya ay isang 6-foot-9 na si Art Long, na sariwa pa sa kanyang pagsabak sa Seattle SuperSonics kung saan siya ay certified starter.

Si Lauderdale, isang first round draft pick ng Atlanta Hawks noong 1996 bago lumaro makaraang i-trade sa Denver Nuggets ng sumunod na season ay sinukatan ng 7-foot-3 na sobra ng isang pulgada sa 13-foot-6 total height na pinapayagan ng PBA para sa height combination ng mga import sa Commis-sioner’s Cup.

At ang kanyang kapareha na si Jermaine Walker ay may sukat na 6’4.

Si Art Long ay isa ring certified starter ng Sonics sa NBA at rekomendado rin ni Walker, na isa ring scoring champion ng Continental Basketball Association (CBA) at United States Basketball League (USBL) ang kapalit ni Lauderdale.

Show comments