^

PSN Palaro

Palarong Pambansa 2002: Ikalawang gold tinalon ni Martinez

-
NAGA CITY-Dalawang atleta mula sa Southern Tagalog at Western Mindanao ang umagaw ng atensiyon sa ikalawang araw ng kompetisyon sa athletics nang kanilang tabunan ang dating mga marka sa pagpapatuloy ng kompetisyon sa 2002 Palarong Pam-bansa na ginaganap sa Metro Naga Sports Complex dito.

Sa kabila ng isang linggong preparasyon, nagawang ukitin ng 17-an-yos na si Paolo Martinez ang gold na nakataya sa secondary high jump sa kanyang itinalang 1.90 meters na bumura sa dating 1.88 marka ni Aurelio Pablo ng Cagayan Valley na kanyang naiposte noong 1997 Palaro dito rin mismo sa bayang ito.

Ito ang ikalawang gold na nakuha ng Southern Tagalog sa athletics event matapos na ihatid ni Marriz Cotoner ang unang ginto sa kanyang record-breaking performance na 1.60M sa girls high jump noong Martes na sumira naman sa marka ni Narcisa Atienza na 1.56M na ipinoste nito noong 1997 Palaro dito rin.

Nilinis ni Martinez, incoming fourth year student ng Liceo de Pila High School ang bar sa kanyang unang talon sa markang 1.88M na siyang naging daan upang igupo si Isagani Bayson ng Western Visayas na may 1.85M.

Giniba naman ng 12-anyos na si Palson Mad-sali mula sa Region IX ang dating marka ni Calixto Selsona ng Bicol Region na 33.34M matapos na pumukol ito ng 34.79M distansiya sa discuss throw para sa Western Visayas Region.

Pumangalawa kay Madsali si Alan Mindoro ng STRAA na may 28.31M na sinundan ni Rey Dennis Bucay ng WVRAA 27.1M.

Hinukay ni Leisel Labordo ang ikalawang sunod na ginto ng Western Visayas nang kanyang dominahin ang elementary girls’ triple jump sa kanyang nilundag na 9.78M, habang ang ka-teammate niyang si Jodgen Gaycon ang siyang nagbulsa ng pilak sa distansiyang 9.88M at ang tanso ay napasakamay ni Novem Bayot ng Southern Mindanao na may 9.61M.

Nadagdagan ng isa pang gold ang Ilocos Region nang magwagi si Hannah Erika Sia sa secondary girls’ shot put event sa kanyang bina-tong 9.88M. Ang unang gold ng IRAA ay mula kay Alleloid Lumabao sa isang record-breaking feat sa secondary boys javelin throw.

Gaya ng dapat asahan, sinimulan na ng National Capital Region ang kanilang paghahanap sa ginto nang walisin nito ang apat na nakatayang gold sa gymnastics event.

Sinungkit nina Maria Virginia Acuna, Cristina Lacson at Patricia Kathryn Paraso ang gold, silver at bronze medal sa elementary girls’ individual all-around event upang dominahin ng NCR ang artistic event sa kanilang pinagsamang 48.80 puntos.

Dalawang events rin ang dominado nina Ma. Grace Casandra Bernal-dez at Cristina Ferrer sa secondary division sa kanilang total points 44.85 upang kumpletuhin ang supremidad ng NCR sa pagsisimula ng kompetisyon sa gymnastics.(Ulat ni Maribeth Repizo)

vuukle comment

ALAN MINDORO

ALLELOID LUMABAO

AURELIO PABLO

BICOL REGION

CAGAYAN VALLEY

CALIXTO SELSONA

CRISTINA FERRER

CRISTINA LACSON

SOUTHERN TAGALOG

WESTERN VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with