Handa na ang lahat para sa Palarong Pambansa

Tinatayang 8,000 elementary at secondary student athlete, delegation officials at miyembro at mga technical officials ang inaasahang darating ngayon sa Naga City para sa Palarong Pambansa na nakatakdang magbukas sa Lunes, Hunyo 3.

"All systems are go and the various committees are set up and in place to accomodate the arrival of participants from all over the country," ani Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain. "Naga is already braced up in anticipation of the arrival of delegations."

Sa ngayon, aabot na sa 5,500 atleta at 2,000 technical officials mula sa Department of Education (DepEd) regional offices ang dumating kung saan ang pinakamalaking delegasyon ay mula sa Region VII na may 438 atleta, habang ang Cordillera Autonomous Region o CAR ay mayroong 214.

Panauhing pandangal si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagbubukas ng naturang Palaro.

Show comments