Dakilang Manileño paparangalan sa pagbubukas ng MYG
() - April 4, 2002 - 12:00am
Kantahan at sayawan ang siyang highlight sa opening ceremony ng 1st Manila Youth Games (MYG) sa Abril 7 sa Rizal Memorial Sports Complex.

Tampok sa tatlong oras na seremonyas ang awarding ng mga plaques of appreciation sa mga tunay na Manileño na naging bayani ng sports sa programang inihanda ng Manila City Hall’s sports arm, Manila Sports Council (MASCO).

Panauhing pandangal sina First Gentleman Jose Miguel Arroyo, Manila Mayor Lito Atienza at Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain sa alas-5 ng hapong seremonya. Sina Arroyo at Buhain ang siyang pangunahing tagapagsalita, habang si Atienza ang siyang magdedeklara ng pagbubukas ng nasabing isang linggong tournament.

Aabot sa 3,000 kabataang atleta ang sasabak sa 12 sports calendar ng MYG ngayong taon.

Ang mga Manila’s sports greats ng nakalipas na dekada ay pangungunahan ni baseball legend Filomeno ‘Boy’ Codiñera, swimmer Akiko Thompson, Andres Franco ng athletics, Adriano Torres, Jr., ng badminton, Chito Garma ng chess, Joaquin Loyzaga (lolo ng magkapatid na basketbolista na sina Joey at Chito) ng football Felicisimo Ampon ng tennis at boxing’s Ricardo Fortaleza.

Inaanyayahan ang mga kamag-anak ng nasabing mga sports greats upang tanggapin ang kani-kanilang award sa opening rites sa Linggo.

Ang nakababatang Atienza na dati ring national taekwondo jin na nanalo ng gold medal noong 1994 Asian Taekwondo Championships ang siyang magsisindi ng torch kasama ang dalawa pang atleta.

ADRIANO TORRES AKIKO THOMPSON ANDRES FRANCO ASIAN TAEKWONDO CHAMPIONSHIPS ATIENZA CHITO GARMA FELICISIMO AMPON FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL ARROYO JOAQUIN LOYZAGA SPORTS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with