^

PSN Palaro

Slimmers World Fitness 8K run bukas na

-
Ang lahat ng daan patungong San Juan, Metro Manila ay siguradong sarado sa pagputok ng Slimmers World 8K Fitness run sa alas-6 ng umaga sa Linggo na magsisimula sa Greenhills Shopping Complex.

At dahil sa tinatayang pagsali ng ilang movie at TV personalities, inaasahang malaking bilang ng mga manonood sa karerang ito na may nakatayang P35,000 para sa top three finishers male at female na co-sponsored ng Dole Singles, Manly Sportswear, Sustagen Premium at Kellogs Cornflakes.

Ayon kay Sunita Kathri, Slimmers World marketing manager, tatanggap ang first overall finisher at first female finisher ng tig-P10,000 at medalya; ang runner-ups ay tig-P5,000 at medalya; habang ang third overall at third female finishers ay tatanggap ng tig-P2,500.

Ang lahat ng kalahok ay tatanggap ng t-shirts bago ang karera habang may naghihintay naman na gift bags sa lahat ng finishers sa finish line.

Inihayag ng organizers na ang lahat ng kalahok ay kailangang nasa assembly area sa parking lot 9 ng Greenhills Shopping Complex ng hindi lalampas sa alas-4:30 ng umaga upang kunin ang kani-kanilang t-shirts. Para sa seguridad, kailangan nilang isuot ang t-shirts habang tumatakbo. At dahil sa iba’t ibang kahilingan, tatanggapin pa ang mga lahok hanggang sa alas-12 ng tanghali ngayon.

vuukle comment

AYON

DOLE SINGLES

GREENHILLS SHOPPING COMPLEX

KELLOGS CORNFLAKES

MANLY SPORTSWEAR

METRO MANILA

SAN JUAN

SLIMMERS WORLD

SUNITA KATHRI

SUSTAGEN PREMIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with