Team ni Sen. John Osmeña papasok sa PBL

Ang lahat ay handa na para sa pag-entra ng bagong koponan na John-O Juzz sa Philippine Basketball League.

Ang John-O Juzz ay pag-aari ni Sen. John Osmeña na kamakailan lamang ay tinanggap na ng board bilang ikawalong koponan kapalit ng Welcoat Paints na pormal ng nagpahayag ng leave-of-absence sa liga.

Ang bagitong koponan ay hahawakan ni National University head coach Manny Dandan, at ipaparada ng Juicers ang lineup ng NU Bulldogs na babanderahan ng mga seasoned veterans.

Ang John-O Juzz ay isang Cebu-based quality product at plano nina Sen. Osmeña at team manager Carlos Sario na ilagay ito sa market nationwide.

Huhugutin ni Dandan ang ilan niyang mga bataan sa NU na sina Froilan Baguion, Jeff Napa, Alfie Grijaldo, Chico Manabat, Archen Cayabyab at slotman Gilbert Neo, habang magbibigay naman ng karanasan sa koponan sina Brandon Sison, Edrick Ferrer, Patrick Madarang, Bryan Olaguer at ang nagbabalik na produkto ng PBL na si Jerome Barbosa at Bong Salvador.

Ang iba pang magpapalakas sa koponan ay sina dating Socsargen Marlin Mico Santos at UE Warriors Arnold Booker.

"It’s a young but competitive team. Of course, the NU core will still have to adjust to the PBL system, that’s why I got these bunch of seasoned veterans to help the team," pahayag ni Dandan.

Show comments