^

PSN Palaro

Osaka, Spring Cooking Oil nalo

-
CEBU CITY-Pinabagsak ng Osaka Iridology ang RP Young Men’s team, 80-65 upang itala ang unang panalo sa pagsisimula ng Cebu Basketball League (CBL) President’s Cup noong Biyernes ng gabi sa University of San Carlos Gym.

Limang manlalaro ng Osaka sa pangunguna ni Ariel Trumpeta ang tumapos ng double figures .

Kumana si Trumpeta ng 15 puntos upang pamunuan ang opensa ng Osaka katulong si Cid White na mayroong 12 puntos, habang nagdagdag naman sina Junnel Maglasang ng 11 puntos at tig-10 puntos naman sina Joel Dualan at Bong Marata.

Sa umpisa lamang naging mainit ang RP team nang kunin agad ang 12-20 kalamangan sa unang yugto ng laro, ngunit mabilis na bumangon ang Iridologist matapos maglatag ng matibay na depensa upang agawin ang trangko sa 42-34 sa halftime mark.

Sa iba pang laro, itinala rin ng Spring Cooking Oil ang kanilang unang panalo makaraang maungusan ang M. Lhuillier, 84-85 kung saan bumandera ang seven-time Best Import na si Bobby Parks nang tumapos ito ng 31-pun-tos.

Sumandig naman ang Guardo Group sponsored-Pampanga Stars sa dalawang freethrows ni Dave Bautista upang pabagsakin ang ML Kwarta Padala, 83-80.

vuukle comment

ARIEL TRUMPETA

BEST IMPORT

BOBBY PARKS

BONG MARATA

CEBU BASKETBALL LEAGUE

CID WHITE

DAVE BAUTISTA

GUARDO GROUP

JOEL DUALAN

JUNNEL MAGLASANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with