^

PSN Palaro

MBA National Finals: Sino ang mas matalas, ang Blades o ang Slashers?

-
Ang kasagutan ay malalaman ngayon sa paghaharap ng Batangas Blades at ng Negros Slashers sa pagsisimula ng kanilang MBA National Finals sa alas-5 ng hapon sa St. La Salle Lipa Sentrum sa Lipa City.

Nanguna ang Blades sa Northern Conference, habang dinomina naman ng Slashers ang Southern Conference upang ipuwersa ang kanilang best-of-five showdown.

At dahil sa tinapos ng Blades ang elimination round na may pinakamataas na katayuan, nakopo nila ang homecourt advantage sa ilalim ng 2-2-1 format.

Kung pagbabasehan ang kanilang personal best, tabla lamang ang dalawang koponan kung saan unang nanalo ang Blades, 82-68 noong Nov. 4 sa Lipa City, bago nakabawi naman ang Negros sa 93-71 noong Nov. 18 sa balwarte ng Slashers sa Bacolod City.

At dahil sa 3-1 panalo ng Batangas kontra sa San Juan sa Northern Conference finals, ninamnam ng Blades ang mahabang bakasyon.

Nahatak naman sa Game Five ang sagupaan ng Slashers at ng Cebuana Lhuillier Gems sa South Conference kung saan nanalo ang Slashers sa 3-2.

Kapwa asam ng Blades at Slashers ang kanilang kauna-unahang national finals title kung saan dalawang ulit ng nabigo ang Slashers.

vuukle comment

BACOLOD CITY

BATANGAS BLADES

CEBUANA LHUILLIER GEMS

GAME FIVE

LIPA CITY

NATIONAL FINALS

NEGROS SLASHERS

NORTHERN CONFERENCE

SAN JUAN

SLASHERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with