^

PSN Palaro

PBL Challenge Cup: Shark at Blu mag-uunahan

-
Pag-aagawan ng defending champion Shark Energy Drink at Blu Detergent ang solong liderato sa kanilang nakatakdang paghaharap ngayon sa second round elimination ng 2001 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Nakatakda ang paghaharap ng Power Boosters at Detergent Kings sa alas-5:30 ng hapon.

Ang mananalo sa pagitan ng Shark at Blu na kapwa nag-iingat ng 5-2 panalo-talo karta kasosyo ang pahingang ICTSI-La Salle ang siyang ookupa ng solong pangunguna.

Paborito ang Power Boosters na makukuha nila ang kanilang ikaanim na panalo matapos ang kanilang 75-65 pamamayani sa una nilang paghaharap noong Nov. 6 at ito ang inaasahan nilang maduduplika.

Ngunit siguradong hindi basta-basta bibigay ngayon ang Blu dahil hangad din nilang mapalawig ang kanilang winning streak.

At sa una nilang paghaharap, hindi naging madali para sa Power Boosters na maitala ang kanilang panalo kung saan 13 ulit silang nagpalitan ng bentahe at siyam na beses silang nagtabla na ang huli ay sa 63-all mula sa jumper ni Egay Billones, hanggang sa kumawala lamang si Chester Tolomia nang magbaba ito ng 12 puntos upang ihatid ang Shark sa panalo.

"I expect it to be a lot tougher. Talo sila sa amin sa first round, tapos kagagaling pa nila sa talo. I’m very sure that they’re too eager to bounce back. But not at our expense and we will try our best to stop them," pahayag ni Shark mentor Leo Austria.

Nauna rito, ikaapat na panalo ang pupuntiryahing masikwat ng Ana Freezers sa kanilang engkuwentro ng Montana Pawnshop sa unang laro sa alas-3:30 ng hapon.

Siguradong gagawing inspirasyon ng Freezer Kings ang kanilang naunang 87-85 tagumpay nang una silang magharap ng Montana upang mapaganda ang kasalukuyang 3-4 karta.

ANA FREEZERS

BLU

BLU DETERGENT

CHALLENGE CUP

CHESTER TOLOMIA

DETERGENT KINGS

EGAY BILLONES

FREEZER KINGS

KANILANG

POWER BOOSTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with