^

PSN Palaro

GMA, magbibigay ng financial assistance sa mga atl

-
Nagpahayag ng kagalakan kahapon si First Gentleman Jose Miguel Arroyo sa ipinakita ng mga atleta ng Pilipinas sa 24th Southeast Asian Games (SEAG) sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Si First Gentleman ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport buhat sa Kuala Lumpur sakay ng Malaysian Airlines flight MH 704 kung saan personal niyang pinangunahan ang pag-aasikaso sa mga manlalaro ng Pilipinas.

Sinabi ni Mr. Arroyo na bagamat panglima lamang ang Pilipinas sa overall medal standings, naging kahanga-hanga ang attitude ng mga manlalaro at dahil dito nangako ang unang ginoo ng financial assistance sa mga atleta, may medalya man o wala.

Ayon kay Arroyo, binigyan niya ng tig-$100 ang bawat miyembro ng contingent sa SEAG bilang pagkilala sa kanilang ipinamalas na kabayanihan.

Nagbigay din umano ang Kasama ni GMA (KGMA) isang Foundation ng P4.5 milyon para sa mga atleta at karagdagang P2 milyon na hahatiin sa mga gold, silver at bronze medalists.

Sinabi din ni Arroyo na personal niyang kukumbinsihin ang lahat ng opisyal ng iba’t ibang sports organization upang magkaisa at kalimutan ang sobrang pulitika alang-alang sa bayan.

Ipinahayag din ng First Gentleman na dalawang pribadong kumpanya, ang Caltex at Johnson and Johnson ang nangakong sila ang magi-isponsor sa ilang manlalaro sa darating na Asian Games.

"Magandang development ito dahil private companies na ang hahawak, hindi na pera ng gobyerno ang gagastusin kaya wala ng pag-aawayan, ani Mr. Arroyo. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

ASIAN GAMES

BUTCH QUEJADA

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL ARROYO

JOHNSON AND JOHNSON

KUALA LUMPUR

MALAYSIAN AIRLINES

MR. ARROYO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with