^

PSN Palaro

64th UAAP Basketball: Ateneo kakapit sa ikalawa

-
Sisikapin ng Ateneo de Manila University na mapahigpit ang kanilang kapit sa solong ikalawang puwesto sa paghapit ng ikasiyam na panalo kontra sa Far Eastern University sa pagpapatuloy ngayon ng 64th UAAP men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Magiging inspirasyon ng Blue Eagles sa kanilang pang-alas-4 ng hapong sultada ng Tamaraws ang naitalang 63-61 panalo sa mga kamay ng Adamson U Falcons noong nakaraang Huwebes upang duplikahin ang naunang 67-64 tagumpay nang una silang magharap ng Morayta-based cagers sa first round.

Siguradong gagawa na ng paraan ang Tamaraws upang mawakasan na ang kanilang apat na sunod na talo na humila sa kanila sa pakikipagtabla sa UE Warriors sa ikaapat na puwesto sanhi ng 5-5 karta.

Sa isa pang senior match, mag-uunahan ang UST Tigers at UP Maroons sa pagsikwat ng mahalagang panalo sa kanilang nakatakdang banatan sa alas-2 ng hapon upang mapalakas ang kanilang tsansa sa Final Four.

Kailangan ng Uste na manalo ngayon upang mapaganda ang kanilang 4-6 kartada, habang nag-iingat naman ang Maroons ng 3-7 record.

At sa nag-iisang junior games, haharapin ng UST Tiger Cubs ang State University sa alas-11:30 ng tanghali.

Samantala, binigyan ng leksiyon ng Asian Basketball Academy (ABA) Phils., ang tournament director ngayong taong UAAP basketball games ang mga siga sa basketball court sa nakalipas na laro.

Sinuspindi ng ABA sina head coaches Joe Lipa ng Ateneo, Boysie Zamar ng UE at Luigi Trillo ng Adamson at ang mga manlalarong sina Enrico Villanueva ng Ateneo at Steven Rolan ng Adamson ng tig-isang laro na epektibo simula ngayon.

Pinatawan si Lipa sanhi ng paghahagis nito ng silya sa loob ng court sa second quarter ng kanilang laban ng Adamson na pinagwagian ng Ateneo sa iskor na 63-61 noong nakaraang Sabado sa Loyola Gym. Ang silya ay muntik ng tumama sa referee na si George Gonzales at sa manlalaro ng Adamson na si Edilberto Mangulabnan.

Ilang minuto matapos ang paghahagis ni Lipa ng silya, sinuntok naman ni Villanueva ang mukha ni Rolan habang nakikipag-agawan sa rebounds dahilan upang magkaroon ng komosyon ang dalawang manlalaro.

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON U FALCONS

ARANETA COLISEUM

ASIAN BASKETBALL ACADEMY

ATENEO

BLUE EAGLES

BOYSIE ZAMAR

EDILBERTO MANGULABNAN

ENRICO VILLANUEVA

FAR EASTERN UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with