^

PSN Palaro

Falcons tinirador ng Maroons

-
Binuksan ng University of the Philippines ang kanilang kampanya sa ika-64th season ng University Athletics Association of the Philippines sa pamamagitan ng 72-63 panalo kontra sa Adamson University sa opening game kahapon sa Ara-neta Coliseum.

Pinagbidahan ni Mark Jomalesa ang panalong ito matapos kumana sa ikaapat na quarter upang pigilan ang tangkang pagbangon ng Adamson Falcons.

Matapos malimitahan sa 0-of-4 three point shooting, umiskor si Jo-malesa ng tatlong tres para sa 11-2 produksiyon upang iselyo ang tagumpay.

Nagawang ibaba ng Adamson ang 15-puntos na kalamangan ng State U sa pagtutulungan ng mga rookies, ngunit nagpamalas ng betera-nong laro sina Mark Abadia at Ramil Tagupa at makalapit sa 58-61.

Subalit sumagot si Jomalesa ng dalawang sunod na tres para ilayo ang iskor sa 67-60 kalamangan, 58.5 segundo ang nalalabing oras sa laro at di na umiskor pa ang Falcons.

Pinangunahan ni Mike Bravo ang State U sa paghakot ng 20 puntos habang nanguna naman si Abadia sa Adamson sa kanyang tinapos na 24 puntos.

Naging matagumpay ang pambungad na seremonya na inihanda ng host Far Eastern University ngunit nagkaroon ng isang aksidente ng isang cheer leader na si Mark Nacional na tinamaan sa leeg sa halftime show ng Adamson. (Ulat ni Carmela Ochoa)

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON FALCONS

ADAMSON UNIVERSITY

CARMELA OCHOA

FAR EASTERN UNIVERSITY

MARK ABADIA

MARK JOMALESA

MARK NACIONAL

MIKE BRAVO

STATE U

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with