^

PSN Palaro

Danny Ildefonso, Best Player of the Conference

-
Matapos na tanghaling Most Valuable Player ng 2000 season, nagbadya si Danny Ildefonso ng ikalawang sunod na MVP title nang tanghalin itong Best Player of the Conference sa PBA All-Filipino Cup.

Naisukbit ni Ildefonso ang kanyang ikatlong sunod na titulo upang pantayan si Vergel Meneses na siyang unang player na nakatatlong sunod na nakakuha ng Best Player of the Conference title.

Humakot si Ildefonso ng kabuuang 2,283 puntos upang talunin sina Rudy Hatfield ng Pop Cola, Jun Limpot ng Barangay Ginebra, Danny Seigle at Chris Jackson ng Shell.

Pinangunahan ni Ildefonso ang departamento ng statistics at nakuha nito ang karamihan sa boto ng media, pumangalawa sa players votes at nakuha rin nito ang tatlong boto sa 4-man committee na binubuo ng kinatawan ng Viva-Vintage, PSA, SCOOP at PBA Press Corps.

Si Ildefonso, ang rookie of the year noong 1998 ay humakot ng 515 puntos sa statistics, 620 sa 15-boto ng media, 548 mula sa 24 boto ng players at 600 puntos sa tatlong boto ng 4-man committee.

Kasunod ni Ildefonso na naging mahigpit nitong kalaban ay si Hatfield na may 1,306 puntos kasunod ni Limpot na humakot ng kabuuang 1,301. Ika-apat si Seigle (861) at ikalima si Jackson (569).

Si Hatfield ay nakakuha ng isang boto mula sa 4-man committee para sa 200 puntos, 481 sa statistics, 373 mula sa media votes at 252 mula naman sa players votes.

Pinakamaraming boto mula sa players si Limpot na umani ng 708 puntos mula sa 31 boto ngunit tatlo lamang ang boto nito sa media at 469 sa statistics.

Si Seigle ay puma-ngalawa sa statistics, 503 puntos ngunit 2 boto lamang sa media para sa 83 puntos at 12 boto ng players para sa 12 puntos.

Humakot naman si Jackson ng 432 puntos sa statistics, nabokya sa media at may 6 boto lamang sa players para sa 137 puntos.

Ang unang Best Player of the Conference award ni Ildefonso ay sa Commissioner’s Cup noong nakaraang taon at naibulsa nito ang naturang award sa Governors’ Cup para maisukbit naman ang MVP title.

ALL-FILIPINO CUP

BARANGAY GINEBRA

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

BOTO

CHRIS JACKSON

ILDEFONSO

PUNTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with