^

PSN Palaro

'Flying A', bayani ng Pop Cola

-
Naging maaksiyon ang quarterfinal round ng PBA All-Filipino Cup kung saan may mga players na naging bayani upang maisulong sa semifinal round ang kani-kanilang mga koponan.

Ngunit may isang umangat upang putungan ng PBA Press Corps bilang Player of the Week para sa linggo ng Abril 16-22.

Napiling Player of the Week si Johnny Abarrientos ng Pop Cola Panthers nang kanyang pamunuan ang kanyang tropa sa 74-65 pamamayani kontra sa kanyang dating koponang Alaska Aces na kanilang tinanggalan ng korona.

Tinalo ni Abarrientos ang mga kalabang gumawa ng kanilang kabayanihan sa end game at ang mga ito ay di hamak na mas malaki kaysa sa kanya.

Nagtapos si Abarrientos na may 15 puntos, 8 rebounds, 6 assists at 4 steals sa nakaraang tagumpay ng Panthers na lumukob sa kanilang nalasap na 71-67 pagkatalo na nagpuwersa ng sudden death match.

Naging kandidato para sa naturang karangalan sina Ronald Magtulis na umiskor ng winning basket sa huling 1.1 segundo ng labanan para sa 70-69 panalo ng Barangay Ginebra na kumumpleto ng kanilang dalawang panalong kailangan laban sa Purefoods TJ Hotdogs na may bentaheng twice-to-beat.

Ang mahigpit na kalaban ni Abarrientos ay si Danny Seigle na pumukol naman ng tres sa huling 6.6 segundo ng laro upang ihatid ang San Miguel sa 84-82 panalo kontra sa Batang Red Bull.

Nagtapos si Seigle na may season-high na 32 puntos, 27 nito sa second round half, 16 sa fourth quarter bukod pa sa 9 rebounds.

Ngunit napasakamay ni Abarrientos ang karangalan dahil higit na may drama ang kanyang kabayanihan dahil ganap na itong nakabawi sa kanyang dating koponan na ilang ulit nitong inihatid sa kampeonato bago siya ipinasa sa Pop Cola.

Magsasagupa ang Pop Cola at San Miguel sa best-of-five semifinal series simula bukas gayundin ang Ginebra at Shell sa PhilSports Arena.

ABARRIENTOS

ALASKA ACES

ALL-FILIPINO CUP

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

DANNY SEIGLE

JOHNNY ABARRIENTOS

NAGTAPOS

POP COLA

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with