^

PSN Palaro

Boysen-MLQU nanalo sa PYBL

-
Agad na ipinadama ng defending champion Boysen-MLQU ang kanilang bangis nang kanilang tunawin ang Whiz Super Oil, 64-51 sa pagbubukas kahapon ng 1st Crystal Spring-PYBL Title Cup.

Ginawang sandigan ng Paintboys ang inilatag na 11 puntos na kalamangan sa huling bahagi ng third canto upang itala ang kanilang unang panalo.

Humakot sina Rodel Mallari at Edelito Santiago ng 17 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod upang pamunuan ang opensa ng Boysen at tabunan ang intensibong opensa nina Carlo Cruz at Jose Villaflor.

Sa iba pang laro, pinarisan ng University of Assumption ang tagumpay ng Boysen nang kanilang ilampaso ang Gringo Express-Konica, 70-58. (Ulat ni C. Fonceca)

BOYSEN

CARLO CRUZ

CRYSTAL SPRING

EDELITO SANTIAGO

GRINGO EXPRESS-KONICA

JOSE VILLAFLOR

RODEL MALLARI

TITLE CUP

UNIVERSITY OF ASSUMPTION

WHIZ SUPER OIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with