^

PSN Palaro

Tuñaco, 3 beses bumagsak, titulo isinuko sa Thai pug

-
Nabigong idepensa ni Malcolm Tuñacao ng Pilipinas ang kanyang ini-ingatang World Boxing Council flyweight title matapos na yanigin ni Ponghsaklek Wongjongkam ng Thailand sa unang round pa lamang ng kanilang nakatakdang 12-round bout na ginanap sa isang probinsiya ng Thailand sa Phicit, may 354 kilometrong layo sa norteng bahagi ng Bangkok.

Taliwas sa kanyang ipinakitang performance sa nakaraang laban ng kanyang sungkitin ang nasabing titulo, nagmistulang basang sisiw si Tuñacao na hindi man lamang nakapagpatama ng suntok sa kalaban.

Si Tuñacao ay tatlong ulit na bumagsak sa canvass matapos na bigyan ng matinding kaliwa’t-kanang kumbinasyon ni Wongjongkam sa mukha at bodega.

Dalawang magkasunod na straight sa mukha ang unang nagpabagsak kay Tuñacao, ilang segundo pa lamang ang nakalilipas sa first round na dahilan upang bigyan siya ng referee ng mandatory eight-counts.

At sa muling pagtayo ni Tuñacao, sinikap niyang makipagsabayan ng suntok sa Thai pug, subalit karamihan sa kanyang pinaalpasang jabs ay sa hangin lamang tumatama at hindi niya nakuha ang kakaibang estilo ng kanyang challenger dahilan upang muli siyang sumalo ng mga solidong kumbinasyon na muling nagpaluhod sa Pinoy champ sa canvass, dalawang minu-to mahigit ang nakalilipas sa first round.

Matapos na makapagpahinga, siniguro ng Thai pug na tapusin ang laban at matapos ang ilang kumbinasyong sinalo ni Tuñacao, isang matinding kanan ang dumapo sa mukha ng Pinoy ang muling nagpatumba sa kanya sa canvass dahilan upang bilangan siya ng mandatory eight-count ng referee at tuluyan ng ibigay kay Wongjongkam ang panalo.

Bunga nito, higit pang napatingkad ni Wongjongkam ang kanyang ring record sa 36-2 win-loss slate na kinabibilangan na ngayon ng 24 knockouts kung saan si Tuñacao ang ika-35th Pinoy na biktima ng Thai pug.

At sa panig ni Tunacao, ito ang kanyang-kauna-unahang kabiguan sa 11 panalo matapos ang 7 KOs.

Matatandaan na na-ibulsa ni Tuñacao ang kanyang WBC 112 lbs. title noong Mayo ng nakaraang taon matapos niyang igupo si Medgeon 3K Battery sa ikapitong rounds sa Udonthani, Thailand. (Ulat ni Maribeth Repizo)

vuukle comment

ACAO

KANYANG

MALCOLM TU

MARIBETH REPIZO

NTILDE

PINOY

PONGHSAKLEK WONGJONGKAM

SI TU

WONGJONGKAM

WORLD BOXING COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with