^

PSN Palaro

Biyaheng Budapest para sa Avon 10K winners

-
Budapest naman ngayon.

Matapos ang Ottawa, Canada, London, San Francisco, Los Angeles, Paris, Guadalajara at New York na napuntahan ng mga local winners sa local Avon running event, isang biyahe patungong Budapest, Hungary naman ang naghihintay ngayon sa mananalo sa Avon 10K National Championship na nakatakda sa Pebrero 18 sa financial district ng Makati.

Ito ang kinumpirma ng Avon Phils., PRE manager Louie Migne kamakailan bilang karagdagang insentibo para sa Avon 10K national champion at Avon Lady champion bukod pa sa kanilang premyong P25,000 at P10,000 cash, ayon sa pagkakasunod ang siyang pinakamalaki para sa local na karera.

Noong dekada 80’s. nagpadala ang Avon Phils., ng local running champions gaya nina Mila Robiso, Maring Panlilio, Jopin Bonzo, Nene Catulong, Canadian Connie Pflanz, Mercy Rendaje, Rowena Monton at Narcisa Alvarado bilang kinatawan ng bansa sa Avon International Marathon, ngunit ng kinalaunan ang distansiya ay pinaikli sa 10K bago nakilala bilang Avon Running Global Women’s Circuit 10K Championship.

Noong nakaraang taon, nabigo ang tambalan nina national champion Christabel Martes at Avon lady champion Nancy Pajarillo na makatungo sa Milan, Italy sa dahilang tumanggi ang Italian embassy na pagkalooban ng visa ang dalawa. At sa halip nagbigay na lamang ang Avon Philippines ng karagdagang cash incentives kina Martes at Pajarillo para sa kanilang naudlot na biyahe.

Nagkumpirma ng paglahok si Martes para sa Peb. 18 finals kung saan makakaharap niya ang kanyang mahigpit na karibal na si Hazel Madamba at iba pang regional champions mula sa Bacolod, Davao, Cebu, Cagayan de Oro at Baguio City.

Kasalukuyan ng ginaganap ang rehistrasyon sa Greenhills Theater lobby sa Makati Taft Ave., EDSA, Shaw Blvd, Las Piñas, Sampaloc at Malolos Avon service centers. Ang entry fee ay P75 na kinabibilangan ng t-shirt at Avon gift sa lahat ng nagpatalang finishers.

vuukle comment

AVON

AVON INTERNATIONAL MARATHON

AVON LADY

AVON PHILIPPINES

AVON PHILS

AVON RUNNING GLOBAL WOMEN

BAGUIO CITY

CANADIAN CONNIE PFLANZ

CHRISTABEL MARTES

GREENHILLS THEATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with