3 adik tiklo sa pot session

MANILA, Philippines — Tatlong hinihinalang mga adik ang dinakip ng mga awtoridad nang mahuling nagpa-pot session sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.
Sa report ng Valenzuela Police Sub-Station, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen na may nagaganap umanong illegal drug activities sa isang abandonadong bahay sa kanto ng Israel at Engracion Sts., Brgy., Marulas ng nasabing lungsod.
Agad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng SS3 at naaktuhan sina alyas “Michael”, 26, at alyas “Toper”, 39, na sumisinghot ng shabu sa loob ng nasabing bahay dakong alas-3:00 ng hapon.
Nakumpiska sa dalawa ang plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu at ilang drug paraphernalias.
Bago ito, alas-7:05 ng gabi nang mahuli rin sa akto ng mga operatiba ng Police Sub-Station 6 si alyas “Erwin”, 44, na bumabatak din umano ng shabu sa loob ng kanyang bahay sa Esteban St., Brgy. Dalandanan. Nakuha sa kanya ang isang plastic sachet at drug paraphernalias.
Sinampahan na ang mga suspek ng kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
- Latest


















