^

Police Metro

Paslit humiga sa kalsada, napisak ng SUV

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang 10-anyos na batang lalaki  nang masagasaan ng isang sports utility vehicle (SUV) matapos humiga sa kalsada sa Brgy. Balingasa, Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.

Sa naantalang ulat sa Quezon City Police District Traffic Sector 1, alas-9:00 ng gabi ay nakita  sa CCTV na naglalaro ang bata sa Anahaw St., Brgy. Balingasa ng nabanggit na lungsod.

Nang bigla umano itong humiga sa kalsada at pagkatapos ay umupo  na siya namang pagdating  ng SUV na minamaneho ni alyas “Al”, 55.

Nasalpok ang biktima  at pagkahiga ay nasaga­saan pa ito.

Agad nadala sa ospital ngunit kalaunan ay namatay din ito habang nilalapatan ng lunas.

Ayon kay Santoceldes, tila hindi napansin ng driver ang bata dahil pababa ang kalsada kaya nasalpok at nasagasaan niya ang bata.

Tumakas naman ang suspek, subalit sa gina­wang follow-up ­operations agad din itong naaresto at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver.

NEWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with