11 terorista sa Maguindanao del Sur, sumuko
COTABATO CITY, Philippines — Karagdagang 11 pa na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa Maguindanao del Sur Provincial Police Office nitong Miyerkules at sabay na nangakong tutulong sa paghikayat sa kanilang mga natitirang mga kasama na lumantad na upang makabalik na sa kani-kanilang mga pamilya at makapamuhay ng tahimik.
Sa ulat ng mga local executives nitong Huwebes, pumayag na magbalik-loob na sa pamahalaan ang 11 na mga BIFF terrorists matapos ang mga serye ng back channel dialogues sa kanila nila Col. Michael John Mangahis, Maguindanao del Sur provincial police director, ng mga officials ng mga units ng 601st Infantry Brigade, at mga local executives sa iba’t ibang mga bayan sa probinsya.
Una nilang pinakustodiya sa mga provincial police officials ang ilang mga baril at malalakas na mga homemade na mga bomba, may improvised detonating devices at maaaring pasabugin sa malayo gamit ang mobile phones, bago sila nagpahayag ng pagtiwalag sa BIFF at nanumpang hindi na muling gagawa pa ng anumang labag sa batas.
- Latest




















