^

Police Metro

P5.8 milyong droga nalambat ng mangingisda

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaabot P5.8 milyon halaga ng droga ang nalambat ng isang ­mangingisda sa dalampasigan ng Sitio Katmon, Barangay Busdak, Patnanungan, Quezon, kamakalawa.

Sa tinanggap na ulat ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea ito na ang ikatlong beses ngayong taon na may napadpad na iligal na droga sa parehong barangay.

Noong Abril at Mayo, milyun-­milyong piso ring halaga ng cocaine ang isinuko ng iba pang mangingisda.

Sinabi ni Col. Albacea na nangunguha lamang ng alimango si alyas “Dennis” sa dalampasigan nang mapansin ang isang pakete at kagyat itong isinuko sa mga otoridad.

Sa inisyal na pagsisiyasat ay natuklasang naglalaman ang pakete ng higit isang kilo ng puting crystalline substance na nagkakahalaga ng P5.8 milyon.

Sinabi ng pulisya na dahil sa lawak ng baybayin ng Quezon na umaabot sa mahigit isang libong kilometro ay madalas itong bagsakan ng  pagpuslit ng droga kaya inatasan ang mga ­pulisya na nasasaklaw ng Polilio Group of Island (POGI), Alabat, Perez, Quezon (ALQUEREZ) at baybayin ng Ragay Gulf na maging alerto sa posibleng pagbabagsak ng mga iligal na droga sa lugar.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with