^

Metro

50 pagong nasabat sa bagahe ng Malaysian national

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nahuli ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang isang pasaherong Malaysian na dumating mula sa Bangkok, Thailand matapos umanong tangkaing magpuslit ng 50 buhay na Indian star tortoise papasok sa Pilipinas.

Sa magkasanib na operasyon ng Bureau of Customs (BOC) at Phi­lippine National Police–Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP), natuklasan ang mga pagong sa pagdating ng pasahero noong Biyernes. Ayon sa mga awtoridad, pinaghihinalaang walang kaukulang permit at dokumentasyon ang pagpasok ng mga hayop sa bansa.

Ipinaliwanag ng mga opisyal na mahigpit na ipinagbabawal ang ilegal na pagdadala at kalakalan ng mga protektadong wildlife species. Ang Indian star tortoise ay kabilang sa mga hayop na binabantayan sa ilalim ng mga batas at pandaigdigang kasunduan para sa pangangalaga ng wildlife, kaya kinakailangan ang wastong pahintulot bago ito maipadala o maipasok sa ibang bansa.

Matapos makum­piska, agad na isinuko ang 50 buhay na pagong sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang mabigyan ng tamang pangangalaga at maisailalim sa kaukulang proseso.

Patuloy namang pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang ilegal na pagpuslit at pag-aangkat ng mga hayop, lalo na ang mga protektadong species, dahil maaari itong magdulot ng pa­nganib sa kalikasan at magresulta sa mabigat na parusa sa ilalim ng batas.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with