VP Sara: ‘Di ko aagawin posisyon ni Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni Vice Pres. Sara Duterte na wala siyang planong agawin ang posisyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr..
Ayon kay VP Sara, wala siyang intensiyong patalsikin ang administrasyon at sinabing siya ay nanumpa na ipipreserba at ipagtatanggol ang Konstitusyon.
“I am the constitutional successor, I am the next in line ayon sa ating Constitution. At meron akong sinumpaan noong ako ay nag-assume ng Office of the Vice President at nakalagay doon that I will preserve and defend the Constitution,” pahayag niya.
Dagdag pa niya, wala sa kanyang mga kamay ang pagsasagawa ng ‘extra constitutional means’ upang patalsikin ang kasalukuyang administrasyon.
“Wala sa aking mga kamay ang pagsasagawa ng extra constitutional means to overthrow the current administration,” ani VP Sara, sa panayam sa Davao City.
“At hindi ko rin gusto ‘yun. Hindi ko gusto agawin ‘yung posisyon ni Bongbong Marcos,” aniya pa.
Nagpaliwanag din ang bise presidente kung bakit kritikal siya sa administrasyong Marcos.
“Gusto ko makita ng taong bayan hanggang sa dulo kung gaano ka walang hiya si BBM,” aniya pa.
- Latest























