^

Metro

1 patay sa shootout

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
1 patay sa shootout
Kinilala ang nasawing suspek na si alyas “John,” 29, miyembro ng Commando Gang at residente ng Lavezarez St., Binondo, habang ang naaresto naman ay si alyas “Rosalino,” 41, residente ng Delpan St., Binondo.
STAR / File

2 ‘Akyat-Bahay’

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaking ‘Akyat-bahay’ habang arestado naman ang kanyang kasabwat, matapos na maka-engkwentro ang mga pulis sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing suspek na si alyas “John,” 29, miyembro ng Commando Gang at residente ng Lavezarez St., Binondo, habang ang naaresto naman ay si alyas “Rosalino,” 41, residente ng Delpan St., Binondo.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, pasado alas-10 ng gabi nang maganap ang engkwentro sa isang gusali sa kanto ng Juan Luna St. at San Fernando St., sa Binondo.

Isang concerned citizen ang humingi ng tulong sa MPD-Meisic Police Station 11 nang makitang inakyat ng mga suspek ang gusali ng package deliverycompany.

Naaresto ng mga pulis ang isa sa mga suspek sa loob mismo ng gusali habang nakatakas si “John” subalit agad ding nakorner.

Sa halip na sumuko ay bumunot pa ito ng baril at nagpaputok sa mga pulis. Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkasawi ni “John”.

Narekober umano ng mga awtoridad mula sa napatay na suspek ang isang baril na may dalawang bala na ginamit niya sa pagpapaputok sa mga pulis.

Natukoy rin umano ng mga awtoridad na ang napatay na suspek ay dati nang nahaharap sa iba’t ibang kaso, kabilang na ang may kinalaman sa ilegal na droga, habang ang naarestong kasabwat niya ay nasangkot na umano sa mga kasong human trafficking at rape.

AKYAT-BAHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with