Canadian na wanted sa sexual harassment, tiklo sa BI
MANILA, Philippines — Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Canadian national na wanted sa kanyang sariling bansa dahil sa mga kasong may kinalaman sa sekswal na pang-aabuso sa bata.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado nadakip si Rudolf Hannes Hofer, 77, ng mga operatiba ng BI sa San Carlos City, Pangasinan noong Hunyo 9.
Isinagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng mga puwersa ng intelligence officer ng San Carlos City Police Station kasunod ng impormasyong natanggap at beripikahin ng mga awtoridad ng Canada.
Lumilitaw sa record na si Hofer ay may dalawang aktibong warrant na inisyu sa British Columbia, Canada para sa pag-iingat ng mga materyal na may kinalaman sa pang-aabusong sekswal sa bata at paglabag sa pangako. Lumabas din sa mga imbestigasyon na siya ay nag-overstay sa Pilipinas matapos hindi palawigin ang kanyang awtorisadong pananatili.
Ang Canadian national ay kasalukuyang nakakulong sa Warden Facility ng Bureau sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang proseso ng deportasyon.
- Latest




















