Winner ng artista search, ‘di nagagamit ang konek!
Takang-taka ang mga netizen sa naging winner ng isang reality artista search dahil walang nababalitang project na ginagawa, huh!
Hindi raw kagaya ng ibang produkto rin ng artista search na kahit hindi major winner eh bisi-bisihan sa showbiz!
Eh may balita kasing iginapang ng isang malapit sa nasabing winner sa mga kakilala at ginastusan umano ng malaking halaga ang panalo nito!
Maganda rin naman siya pero sa showbiz, hindi lang ganda ang dapat maging puhunan, ‘di ba?
Anne, laging naiiyak ‘pag naaalala ang ama
Twenty-nine years na sa showbiz si Anne Curtis! ‘Yung teenager na ginawang artista ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films eh patuloy pa ring namamayagpag ang career!
Kaya naman sa pagpasok ng 30th year ni Anne sa showbiz, punumpuno pa rin ang schedules niya!
Tatlong pelikula ang nakatakdang gawin ni Anne. Isa na rito ang isang horror movie under Mikhail Red.
Magkakaroon din siya ng reunion movie under Ruel Bayani na siyang gumawa ng box-office hit na My Other Woman.
Then isa pang movie under Irene Villamor.
Tatlong araw na lang ang natitira upang tapusin ang Buy Bust series na ipalalabas sa Netflix soon.
Of course in demand pa rin siya sa covers ng glossy magazines at endorsements.
Ang isang wish ni Anne eh sana magkaroon na ng malaking break ang Filipino films sa Hollywood at para sa kanya, wish niyang makapunta sa Cannes at magkaroon ng pelikulang mabibigyan ng recognition sa ibang bansa!
Sa thanksgiving mediacon, naalala ni Anne ang pumanaw na ama na lagi niyang kasama nung nagsisimula pa lang siya sa Viva at kahit wala na ito, tutuparin niya ang pangakong magiging loyal sa Viva Films dahil hanggang ngayon, wala siyang kontrata sa movie oufit na nagbigay ng pangalan sa kanya sa showbiz!
Anne is here to stay kahit sabihing isa siyang halfie (half Pinoy-half Australian)!
- Latest























