Bea, lipat-bahay na!

Marami ang nagtanong sa Instagram (IG) Story ni Bea Alonzo kung saan nakatayo siya at nasa harap niya ang Balikbayan boxes.
Ang text overlay ng post ng aktres ay “Moving Day.” Tanong ng netizens, ang ibig daw bang sabihin ng kanyang text overlay at Balikbayan boxes ay lilipat siya ng bahay?
Tanong pa ng netizens at gusto nilang malaman kung sa bahay na nila ng asawang si Vincent Co lilipat si Bea?
Nasa IG Story rin ni Bea ang teaser sa collab project nila ni Anne Curtis. Ang tinutukoy ay ang BLK x BASH collaboration. Ang BLK ay ang make-up line na ini-endorse ni Anne at ang Bash ay ang lifestyle travel essentials na isa sa owner si Bea.
Dennis, nag-happy birthday pa rin kay Claudia!
Maganda ang ginawa ni Dennis Padilla na i-off ang comment box ng IG niya kung saan binati nito ng happy birthday ang anak na si Claudia Barretto-Lorenzo. At least, malinis ang feed ni Dennis at walang nang-away sa kanya by greeting his daughter.
Nag-post si Dennis ng photo nila ni Claudia at may caption na “HAPPY BIRTHDAY Claudia love you... Hope to see you soon- Papa.”
May kasamang emojis ng clasped hands as in prayers, birthday cake at red heart ang nasabing post ni Dennis. Ang accompanying song ay Grateful, Thankful, Blessed ng The Echo. Ang ganda ng songs, bagay sa sitwasyon ng mag-ama.
Malaki kasi ang tampo ni Claudia sa ama lalo na noong ikasal siya, naging kontrobersyal ‘yun at kamakailan lang, may petition si Claudia na alisin ang Baldivia sa apelyido niya. Tinanggap ‘yun ni Dennis kahit nasaktan at heto nga, binati pa rin niya ng happy birthday ang anak.
- Latest

























