^

PSN Showbiz

Flagship program ng Channel 2, palalakasin pa

Pilipino Star Ngayon
Flagship program ng Channel 2, palalakasin pa
Michelle Guillang at Ralph Lopez

MANILA, Philippines — Inilipat na sa bagong oras ang Mabilis Lang ‘To, ang flagship news program ng AllTV Channel 2 ng AMBS.

Inaasahang palalakasin nito ang commitment ng network sa paghahatid ng mga napapanahon at makabuluhang balita sa mga Pilipinong manonood.

Nagsimulang umere ang programa sa bagong oras nitong Lunes. Napapanood na ito mula alas-10:30 hanggang alas- 11 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.

Hino-host nina Ralph Lopez at Michelle Guillang, hatid ng Mabilis Lang ‘To ang mga bago, diretso at mapaniniwalaang balita, updates sa buong sanlinggo (weekdays), upang hindi huli sa mahahalagang balita ang sambayanan.

Kinukumpleto ng Sagot ni Doc ang pang-Sabadong programa ng network. Host ng weekly health program si Michelle Guillang.

Umeere tuwing Sabado, alas- 8:30 ng umaga hanggang alas-9:30 ng umaga, tinatalakay ng mga eksperto sa programa ang tungkol sa wellness, medical concerns at practical health advice para makapagdesisyon ang manonood sa isyu ng well-being.

Kasunod ng Sagot ni Doc ang legal affairs program na Dapat Legal, hosted by Atty. Chris Sorongon, tuwing Sabado, 9:30 hanggang 10:15 ng umaga.

Nagbibigay ang programa ng practical legal guidance at tinatalakay rin dito ang karaniwang legal issues na kinakaharap ng mga Pilipino.

Lahat ng programa sa AllTV Channel 2 ay sabayang umeere sa AllRadio 103.5 at Planet Cable Channel 3.

NETWORK

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with