^

Pang Movies

Ryan, inaming sinubukang isalba ang relasyon nila ni Paola!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ryan, inaming sinubukang isalba ang relasyon nila ni Paola!
Ryan

Nagsalita na si Ryan Bang hinggil sa breakup nila ng ex-fiancee na si Paola Huyong.

Sa latest vlog ni Vice Ganda nag-open up ang South Korean national kung saan ay kinumpirma niya na hiwalay na sila and it took quite sometime para maamin niya ito dahil nag-try pa raw siyang ayusin ang kanilang relasyon.

Matatandaang na-engage sina Ryan at Paola in 2024. Nakatakda na ang kanilang kasal nang pumutok ang balitang hiwalay na sila in September, 2025.

Ayon kay Ryan ay nitong December, 2025 lang niya natanggap sa sarili na talagang wala na sila.

“Trinay ko na ayusin. Kasi alam ko, nung panahon na ‘yun, hindi ko maintindihan, but hindi dapat umabot ng ganito. I was trying, I was hoping, I was praying na maayos,” pagbahahagi niya.

Biglaan din daw ang pangyayari although alam niyang may kasalanan din siya. Pero nilinaw niyang hindi siya nag-cheat.

“Siyempre, sa relationship, meron din akong kasalanan. Pero I never cheat. Hindi totoo ‘yung mga sinasabi ng mga tao na...may kutob eh.

“Kahit hindi ngayon, even before, I never cheat. Hindi ako gano’n,” saad niya.

Dagdag pa niya, “serious din ako sa relationship but siyempre, meron din akong pagkukulang, meron din akong kasalanan.”

Sinabi rin ni Ryan na magkaiba sila ng kultura ni Paola na isa sa posibleng dahilan kung bakit sila naghiwalay.

“Siyempre, grateful pa rin ako kasi sobrang bait nung family niya. Hanggang ngayon, lalo na ‘yung magulang niya. I was talaga fixing. And gusto ng pamilya ko din i-fix.

“But we found out na magkaiba pala kami ng kultura,” pag-amin niya.

Bagama’t Filipino by heart na rin siya, ang magulang daw niya ay hindi.

“Kasi, nasa Korea (ang family niya), eh. Magkaiba pala ‘yung paniniwala, gawi, saka magkaiba pala thinking, lalo na pagdating sa marriage,” aniya.

Ginawa raw niya ang lahat para ma-save ang kanilang relasyon at kinausap din niya ang kani-kanilang magulang.

“Pero I got a sign na hinto muna, na space muna, stop mo na,” kwento niya.

Nang sabihan daw siya na itigil na niya ay tumigil din daw ang kanyang mundo.

“Sobrang hirap, sobrang pagsisisi nung lahat ng... In my whole life, ‘yun ‘yung pinaka-dark and hard na time in my life. And ‘yung experience ko na ‘yun, it was pinakamabigat sa puso. Ang hirap din sa akin kasi anu-ano iniisip ng ibang tao eh,” lahad niya.

Bagama’t wala na sila ay thankful pa rin si Ryan kay Paola gayundin sa pamilya nito na hanggang ngayon ay maganda pa rin daw ang trato sa kanya.

“Kaya iniisip ko sa positive way, I was not really okay but positive way, talagang marami rin akong natutunan from them,” pahayag ng It’s Showtime host.

RYAN BANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with