^

Pang Movies

Katherine, pasok sa tambalan nina Coco at Julia!

Salve V. Asis - Pang-masa
Katherine, pasok sa tambalan nina Coco at Julia!
Katherine at Coco

MANILA, Philippines — Ahh pasok pala sa Sigabo ang ‘ex’ ni Coco Martin na si Katherine Luna.

Maaalalang last year ay pinag-usapan si Kathe­rine matapos linawin na hindi totoong nabuntis siya ni Coco nung nagkatambal sila sa isang indie film.

Napatunayan nga sa DNA na hindi totoo ang mga sinasabi niya noon.

Sa vlog ni Julius Babao, inamin ni Katherine na akala niya ay si Coco ang ama nung nabuntis siya.

Hanggang ipanganak na raw niya si Nicole pero habang lumalaki raw ang baby, dito niya naramdaman na parang hindi si Coco ang ama.

Kaya nang magpa-DNA raw sila, ang resulta nga ay negatibo.

Kaya’t nagkaalaman din ng katotohanan.

Sa huli ay sinabi niyang hiyang-hiya siya sa aktor.

Umpisa noon ay tinulungan na siya ni Coco at ngayon ay pasok pa siya sa tambalan nina Coco at ‘misis’ na si Julia Montes.

Post ni Katherine: “thank you derek ccm and ms julia !

“napakabuti nyo sa akin”

Anyway, makaipon na kaya si Katherine ngayong may regular job na siya?

At kung may isa pang aktres na gusto ring katrabaho si Coco, si Jennica Garcia ‘yun. 

Chika ni Jennica: “Gusto ko po makatrabaho si Sir Coco. Ang tagal po kasi ng programa niya. ‘Yun, makakaipon ka talaga. Wala pa akong kilala na pumasok sa tele­serye ni Coco na hindi nagka-motor, sasakyan, bahay. Uy, totoo ‘yan.”

So financial pala ang rason? Sabay tawa namin. 

“Ay hindi po. Alam naman niya ito. Alam naman ni Sir Coco ito, feeling ko naman. Hindi kasi, maliban sa ang tagal ng programa ni Sir Coco, napakahusay niya kasi. Ang timeless kasi. Pero super happy po ako na nakatrabaho ko si Julia. CocoJuls ako eh,” katuwiran pa ni Jennica nang maka-chika namin sa intimate media conference last week ng advocacy film na Behind the Smile na kanyang pinagbibidahan.

Nagkasama sina Julia at Jennica sa ser­yeng Sa­ving Grace. 

KATHERINE LUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with