Offer ni Lorna sa apo, tinanggihan!

Sobrang proud si Lorna Tolentino sa first apo niyang si Tori nang mag-perform ito sa Trumpets, Inc. noong Biyernes. Culminating activity ito ng naturang theater production kung saan isa si Tori sa sumali sa kanilang summer workshop.
Hindi lang sure si Lorna kung saang musical play ang kinanta ng kanyang apo at kinikilig si Lorna sa mga papuri na natanggap niya.
Ang galing naman talaga ni Tori nang kumanta siya. Kaya sinasabi na sa amin ni Lorna na meron na raw siyang Lea Salonga. “Yun talaga ang dream ko sa kanya e,” pakli ni Lorna.
Kaya ang wish daw niya talaga ay makapag-aral sa ibang bansa si Tori. Gusto raw niyang ma-expose ito sa Broadway o West End. “Diyos ko kahit puhunanan ko pa para makapag-aral lang siya abroad. Pero ayaw niya e. Gusto niya rito lang siya,” sabi pa ng premyadong aktres.
“Andito ang mga kaibigan niya, tapos sumasali pa sila sa mga choral competition. Kaya nate-train pa rin siya,” dagdag niyang pahayag.
Noon pa man ay nakitaan na nang galing sa pagkanta si Tori at suportado nila ito.
Wala pang sinimulang project si Lorna sa kasalukuyan, kaya bukod sa ‘balik-alindog’ project niya, nakatutok siya sa kanyang apo.
Siyempre, pag tinatanong mo si Lorna kung kanino nagmana sa galing na pagkanta ni Tori, sa kanya ang kaagad niyang sagot.
Nakikita naman daw sa pamilya nila ang magagaling na singer. Tinuro niya si Zsa Zsa Padilla. Yun na!
Atasha, mas napo-promote ng mga basher
Usapang musical play pa rin, kaagad nahusgahan si Atasha Muhlach nang in-announce na siya ang gaganap na Annie Batungbakal sa susunod na production ng Newport World Resorts, Viva, at PhilStar Media Group.
Sa last performance ng Bagets the Musical, in-announce na itong Annie Batungbakal ang susunod na aabangan.
Dumaan sa tamang proseso si Atasha, at merong nagpapatunay na ibinigay ni Atasha ang nararapat sa audition.
Nakapagtataka lang kung bakit ang daming nag-react at kumontra sa pagpili kay Atasha kesa kay Andres.
Merong kumuwestiyon nung una, pero nang mag-perform na si Andres, marami naman ang natuwa sa kanyang performance.
Tatlong beses naming pinanood ang Bagets The Musical, at nakita namin ang malaking pagbabago kay Andres bago ito natapos. Natuto siya, at gumaling sa pagsayaw, at pagkanta.
Pero may lamang si Atasha dahil nagpakita na talaga siya ng talent sa pagkanta at pagsayaw. Ipinakita niya ito nang napabilang siya sa Dabarkads ng Eat Bulaga. Kaya tingin ko naman, kakayanin niya ito sa entablado.
Marami rin ang nagkumpara kay Atasha sa original na Annie Batungbakal, Nora Aunor.
Malayung-malayo raw si Atasha kay National Artist Nora Aunor na bida sa mga musical comedy film na Annie Batungbakal at Bongga ka Day! (1980).
Kanya-kanya namang interpretasyon yan. Tiyak na malaki ang magiging pagkakaiba ng Annie Batungbakal noong 1979 sa Annie Batungbakal ng 2026.
Noong pinag-uusapan ang gagawing musical play na Annie Batungbakal, may mga nagsasabi nang si Atasha ang posibleng kukunin.
Pero may lumalabas ding si Ashtine Olviga. Napapagdudahan tuloy na baka mga fans ni Asthine ang nagpapakalat ng mga bashing kay Atasha.
Napag-usapan namin ito ng ka-PEP Troika kong si Noel Ferrer.
Sabi niya, kinausap daw niya ang beterano na sa theater na si Direk Chris Millado tungkol kay Atasha at hopeful daw siya na kakayanin ito ng kakambal ni Andres Muhlach.
Challenge talaga ang magpakamasa - kasi dispatchadora levels na masa siya dapat… aaralin niyang internalize ‘yan talaga, sabi ni Noel sa amin.
Kapag patuloy na kinukuwestiyon itong kakayahan ni Atasha, lalo pang napo-promote at naku-curious ang magiging pagganap ng anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.
- Latest

























