Diokno Boulevard sarado sa impeachment trial
MANILA, Philippines — Pansamantalang isasara sa mga motorista ang northbound at southbound lanes ng Diokno Boulevard sa Pasay City kaugnay sa pagsasagawa ng impeachment trial may Vice President Sara Duterte sa Senado sa Lunes, Hulyo 6.
Sa Facebook post ng Pasay Traffic and Parking Management Office, ang road closure sa kalsadang malapit sa Senate na apektado ay magkabilang linya sa kahabaan ng Diokno Blvd mula Seaside Boulevard hanggang Atang dela Rama Street. Apektado rin ang mga intersection sa nasabing segment ay apektado rin ng pagsasara.
Bunsod nito, pinapayuhan ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta.
Epektibo ang naturang traffic plan simula Hulyo 6 at ipatutupad tuwing Lunes, Martes, at Miyerkules mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi, na inaasahang tatagal hanggang pito o walong buwan.
Itinakda ang lingguhang pagdinig sa Senado mula Lunes hanggang Miyerkules, alas-2:00 ng hapon, bago ang ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Hulyo 27.
Matapos ang SONA, gagawin namang Martes at Huwebes sa parehong oras ang impeachment trial.
- Latest



















