Coco, Ipinagdarasal ang mga basher
Naglabas ng hinaing si Coco Martin sa mga bashers sa social media na nagsasalita ng masasakit hindi lang para sa kanya kundi maging sa mga kapwa-artista niya.
Sa panayam ng aktor kasama ang real-life partner na si Julia Montes sa vlog ni Gary Valenciano na Unshaken with Gary V, sinabi niya ang kanyang prayer para sa lahat.
“Isa lang sana ang pinapanalangin ko sa lahat ng mga tao, lalong-lalo na ‘yung mga taong involved o ‘yung mahihilig sa social media.
“Dapat maging ano tayo, sensitive tayo sa mga tao, lalo na sa pagko-comment, sa pagba-bash. Para bang ang gulo-gulo na ng mundo, eh, ‘di ba?” pahayag ni Coco.
Pinuna rin ng aktor ang mga sawsawera sa issue na pinagkakakitaan ang paninira sa ibang tao.
“Para sa akin kasi, kung wala kang masasabi o magagawa na maganda sa kapwa mo, it’s better na huwag ka nang mag-comment at tumahimik ka na lang. Pero ‘yung para makisawsaw ka or pagkakitaan mo ang isang bagay para makasira do’n sa tao, ang sakit lang.
“’Di ba, ‘yung pag ako naaano du’n sa mga taong binabatikos, tapos dyina-judge na sila dahil do’n, para bang ang sakit lang kasi,” aniya
“Na para bang ba’t ganu’n? ‘Yun na ba ang mundo? Ito na ba ang mundo ngayon?” himutok pa ni Coco.
Aminado siyang natatakot din siya sa nangyayari ngayon sa ating mundo kaya naman lagi raw nilang ipinagdadasal ni Julia ang kaligtasan ng kanilang pamilya.
“’Pag nagdadasal tayo ngayon, bakit ganito ang dasal natin, ‘Lord, sana po, ingatan n’yo kami, ingatan n’yo po ang pamilya ko.’ Para bang lagi tayong. . .para bang takot na takot na tayo every day.
“Ibig sabihin, ganu’n na kagulo. Pangit sabihin, pero ganu’n na kasama ang nangyayari ngayon sa mundo,” saad niya.
“Kaya sa buhay ko ngayon, alam kong hindi ko mapi-please ang lahat ng tao, ka-trabaho ko man o lahat mga humahanga sa akin o mga nanonood.
“Pero isa lang ang gusto kong i-assure sa sa sarili ko at sa pamilya ko. Na parang nandu’n ako lagi. Everytime na nagdedesisyon ako, kung ano ‘yung alam kong tama at nalalapit para sa Panginoon,” pahayag ng aktor.
Kai, kinumpirma na magiging magulang na sila ni Rere
Magiging mommy and daddy na ang bagong-kasal na sina Rere Madrid at Kai Sotto dahil kasalukuyang nagdadalang-tao na ang Kapuso actress sa kanilang first baby.
Inanunsyo ng mag-asawa ang magandang balita sa kanilang Instagram account kahapon, June 22.
Sa video na ibinahagi nila ay mapapanood ang mga reaksyon ng kani-kanilang pamilya at kaibigan, pati na rin ang pregnancy test na isinagawa ni Rere at ang sonogram ng kanilang baby.
Ayon sa mag-asawa, at first ay inilihim daw muna nila nasabing magandang balita.
“For a while, we’ve been living in our own little world. Holding onto a secret that made every day feel like an adventure.
“Every moment, every plan, every quiet smile. It was all for you. And now, we finally get to share it.
“WE’RE HAVING A BABY!!!” ang pahayag ng basketball superstar.
Dagdag pa ni Kai, “Our greatest adventure is just beginning, and you’re already the best part of it. Now, team GIRL or team BOY”
Dinagsa naman ng pagbati ang mag-asawa at nanguna na nga sa nag-congratulate ang kapatid ni Rere na si Ruru Madrid.
“Congratulations Bunso at Bayaw! Mahal ko kayo,” sey ni Ruru.
- Latest





















