^

Pang Movies

Ellen, hindi na naniniwala sa love!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ellen, hindi na naniniwala sa love!
Ellen

At this point in her life, aminado si Ellen Adarna na na-realize raw niya na mas okay siya na walang partner.

Sa part 2 ng vlog ni Melai Cantiveros kung saan nga ang guest niya ay ang dating sexy actress, napag-usapan nila ang mga buhay-buhay kabilang na ang personal life, ang pagiging ina, ang mga pinagdaaanan niya at marami pang iba.

Sey niya, kapag may partner raw siya ay nawe-weigh down siya bukod pa sa kailangan niyang mag-compromise at mag-adjust.

“I realized na I’m better off alone,” deklara ng estranged wife ni Derek Ramsay.

Dagdag pa niya, lahat daw ng naging boyfriends niya ay naka-live-in niya at ang ama raw niya ang nag-encourage sa kanya ng ganitong setup para matuto siya.

Tahasan ding sinabi ni Ellen na hindi na siya naniniwala sa love at tanging mother’s love lang daw ang pinaniniwalaan niya.

“Ngayon, hindi na talaga. Okay na ako,” sambit niya sa magkahalong Cebuano and Tagalog.

Hirit naman ni Melai, na-traumatize na si Ellen sa mga pinagdaanan nito sa love life.

As we all know, si Derek ang huling nakarelasyon ni Ellen. Kasal sila at may isang anak, si Lily.

Sinabi rin ng dating aktres na kapag tinapos na niya ang isang relasyon, tapos na raw talaga at wala siyang binabalikang ex.

Yasmien, pinag-aaralan ang pagtitipid sa Switzerland

Nalula si Yasmien Kurdi sa mahal ng bilihin sa Switzerland. Nagbakasyon kasi ang aktres at ang kanyang pamilya sa Europe kung saan, ang first stop nila ay Paris at pagkatapos ay dumiretso ng Switzerland and Netherlands.

Makikita nga sa social media accounts ni Yasmien ang mga ganap sa first European trip nila ng asawang si Rey Soldevilla at dalawang anak na sina Ayesha Zara and Raya Layla.

Sa latest post ng Kapuso actress ay ikinuwento niya ang super-mahal na bilihin sa Switzerland.

“Hahaha Legit ’to! Ultimo McDo nila mahal! Pang high-end restaurant ang presyo,” sey ni Yasmien.

Tsika pa niya, “Funny story: yung friend ko na si Dianne, nag-order ng Uber Eats noong first night namin sa Zurich kasi pagod na sila lumabas kasi from train station pa galing. Pagtingin niya sa bill, umabot ng ?22,000 kapag kinonvert mo sa pesos.”

Kaya raw bago sila pumunta sa nasabing bansa ay nag-research muna siya at para makatipid, namamalengke na lang siya at siya na ang nagluluto ng pagkain nila.

“Ako naman, nag-research talaga bago pumunta sa Switzerland. Alam kong mahal ang cost of living doon, kaya namalengke talaga ako at nagluto. Kaya sinigurado kong Airbnb na may maayos na kitchen ang ibo-book ko. Sulit na sulit din kasi malaking tipid sa pagkain,” kwento niya.

Makikita sa mga post ni Yasmien ang pamamasyal nila sa tourist spots sa Switzerland tulad ng Lake Zurich at Chocolate Museum.

ELLEN ADARNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with