^

PSN Opinyon

Babae, namatay matapos ang ‘fruitarian’ diet

MGA KUWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG 27-anyos na Po­lish woman, ang namatay sa Bali, Indonesia matapos sumailalim sa isang extreme “fruitarian” diet kung saan prutas lang ang kanyang kinakain.

Dahil dito, labis siyang nangayayat at bumaba ang kanyang timbang sa 22 kilos, na nagdulot ng matinding malnutrisyon.

Ayon sa mga medical report, si Karolina Krzyzak ay nagkaroon ng osteoporosis at albumin deficiency, mga kondisyong konektado sa matagal na pagkagutom at malnutrition.

Nagbabala ang mga doktor ng Manipal Hospital sa mga panganib ng ganitong uri ng restrictive diets.

Ipinaliwanag ng isang eksperto na ang fruit-only diets ay nagdudulot nang matinding kakulangan sa nutrisyon. Aniya, “Bagama’t ang mga prutas ay nagbibigay ng mga bitamina at antioxidants, kulang ang mga ito sa protein, fats, calcium, iron, vitamin B12, at sapat na carbohydrates.”

Ang ganitong kakulangan ay maaaring magpahina sa digestive system at makaapekto sa iba pang organ ng katawan.

Idinagdag ni Dr. Sunil Havannavar, Senior Consultant sa Internal Medicine, na ang ganitong diet ay nagkakait sa katawan ng mahahalagang nutrients, na nagreresulta sa pagkawala ng muscle, nagdudulot ng anemia, at electrolyte imbalances.

Nagbabala rin siya na ang labis na fructose intake ay maaaring magdulot ng fatty liver disease at multi-organ dysfunction, o maging kamatayan.

Binigyang-diin ng mga eksperto ang kahalagahan ng isang balanseng diet na may sapat na carbohydrates, proteins, fats, at micronutrients upang mapanatili ang kalusugan.

KAROLINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with