Judgmental o fault-finder?
NAKALULUNGKOT. Habang nagsisiyasat ang mga awtoridad sa kaso ng mga missing sabungeros ay marami naman ang kumukutya sa ginagawa ng pamahalaan. Kesyo ang mga butong nahango sa Taal Lake ay puro mga planted lang para may masabing umaaksiyon ang pamahalaan.
Kesyo ito raw ay naglalayong ilihis sa tunay na isyu ang mga mamamayan. Paano naman ‘yung maraming pamilya na naghihinagpis sa kawalan ng katarungan ng kanilang mga kaanak?
Nakakapagpababa ng moral ang ganitong pangungutya sa mga taong nagpapakahirap upang magtamo ng hustisya ang mga kaanak ng missing sabungeros na tinatayang daan-daang katao na brutal na pinatay dahil diumano sa pandaraya sa sabong.
Hindi pa tapos ang proseso kahit pa limang sako na ng buto ang narerekober batay sa rebelasyon ng boluntaryong saksi na si Dondon Patidongan. At ayon na rin kay PNP chief Gen. Nicolas Torre III, isasailalim pa sa forensic investigation ang mga buto at ilukumpara sa DNA ng mga kaanak ng biktima.
Habang natutuwa ang mga kaanak ng mga biktima sa pagtatrabaho ng pamahalaan, may iba naman na nagdi-discredit sa efforts ng mga awtoridad at ginagawang political issue.
Halatang may nagde-demolish sa imbestigasyon at isa lang ang logical na dahilan: upang hindi lumitaw ang katotohanan na magdadawit sa tunay na kriminal. Hindi naman marahil si Charlie “Atong” Ang ang gagawa nito dahil sinasabi niyang inosente siya sa ipinaparatang na krimen? Magkakaalaman din sa dakong huli basta’t huwag lang sasalangsangin ng sinuman ang imbestigasyon
Sana, tayong mga nag-oobserba lang ay maghintay muna ng konkrektong resulta ng pagsisiyasat bago tumuligsa. Palagay ko, kayo ay mga trolls ng tunay na salarin.
- Latest















