Kampante si Escudero
Sa tingin ko, mapapanatili ni Senate President Chiz Escudero ang pamumuno sa Senado. Marami ang nabanas kay Escudero dahil sa pagbalam niya sa trial sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Ngunit hindi naman ang mga pumapabor sa impeachment ang magpapasya kung dapat manatili si Escudero na Senate President. Kung dapat manatiling Senate President si Escudero o dapat palitan ay pagbobotohan ng mga senador.
Ang bagong Senado ng 20th Congress ay binubuo ng mga diehard Duterte fanatics tulad nina Senator dela Rosa, Bong Go, Robin Padilla, Imee Marcos, Marcoleta na hayagang tumututol sa impeachment. At maging sa mga inendorsong kandidato ni President Marcos ay mayroong Duterte sympathizers.
Natural na ang mga senador na ito ay susuporta kay Escudero na siyang dahilan kung bakit hindi matuluy-tuloy ang trial kay Sara. Pabor sa kampo ni Sara ang delaying tactic na ginawa ni Escudero. Kataku-takot na pambabatikos ang tinanggap ni Escudero lalo na sa netizens.
Pati nga raw ang mga sinasabing “dilawan” na sina Senators Bam Aquino at Kiko Pangilinan na inaasahang makikipag-alyansa kay Sen. Risa Hontiveros ay papanig sa mga anti-impeachment solons, ayon kay Sen. JV Ejercito.
Pero politics is volatile. Minsan,nagugulat na lang ang lahat sa mga pangyayaring hindi inaasahan.
- Latest



















