^

PSN Opinyon

Kontratang kinansela

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Si Almario ay nakipagkasundo kay Vicky na gawing sub­division ang kanyang lupang may sukat na 10,158 square meters, ngunit hindi pa ito titulado at rehistrado sa Torrens System. Ayon sa kasunduan, papatituluhan ni Almario ang lupa samantalang unti-unting ginagawa ni Vicky ang sub­division. Kasama rin sa kasunduan nila na ipagbibili ni Vicky ang mga lote sa subdivision at ang mapagbilhan ay paghahatian nila ni Almario.

Nang matatapos na ang subdivision at makaraang gumastos si Vicky ng P45,000 nagkasira ang mga partido sa kasunduan dahil umano’y ayaw tanggalin ni Almario ang kanilang bahay na dadaanan ng kanal at pag-aagusan ng tubig.

Dahil dito, kinansela ni Almario ang kontrata kay Vicky. Sa kabilang dako, idinemanda naman ng mag-asawang Vicky at Tommy sina Almario at asawa nitong si Minda upang ipatupad ang kontrata. Matapos ang paglilitis nag­pasya ang hukuman laban kay Almario at pabor kay Vicky. Inapela ni Almario ang desisyon ngunit siya’y natalo pa rin hanggang sa Korte Suprema.

Hindi pa rin tumigil si Almario. Pagkaraan ng dalawang taon, siya naman ang nagdemanda kina Vicky at Tommy upang pawalang bisa ang kontrata. Hiniling naman nina Vicky at Tommy na pawalang saysay ang demanda ni Almario sapagkat ang usaping ito’y napagpasyahan na ng hukuman sa unang kasong isinampa nila laban kay Almario. Sinalungat ito ni Almario. Hindi raw pareho ang unang kaso sa pangalawang kasong isinampa niya. Sa pangalawa raw kaso, hindi kasama ang asawa niya. At ito’y tungkol sa hindi pagtupad ni Vicky sa kontrata samantalang ’yung una’y tungkol sa pagpapahinto kay Vicky na ipagpatuloy ang kontrata. Tama ba si Almario?

Mali. Pareho ang mga partido at interes ng pinag-uusapan sa dalawang kaso. Ito’y tungkol sa kontrata ng paggawa ng subdivision. Hindi mahalaga na sa unang kaso’y kasama ang asawa ni Almario. Hindi kinakaila­ngang parehong-pareho ang mga partido sa dalawang kaso. Ang magkadamay na kapakanan ng bawa’t partido ay sapat na. Kung parehong ebidensiya ang kinakailangan sa dalawang kaso, ang desisyon sa unang kaso ay magiging hadlang sa anumang susunod na kasong isasampa tungkol dito. Kaya tama lang na pawalang saysay ang kasong sinampa ni Almario (A. Cruz vs. Court of Appeals et. al. G.R. No. 135101 May 31, 2000).

vuukle comment

ALMARIO

SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with