^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Di na natuto, dinumihan muli ang Luneta

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL- Di na natuto, dinumihan muli ang Luneta

MARAMING nagtutungo sa Luneta para magdiwang ng Pakso. Bisperas pa lamang, kanya-kanya nang hanap ng puwesto ang mga tao para doon magselebreyt. Marami silang dalang pagkain, inumin, at kung anu-ano pa para maging masaya ang pagdiriwang ng Pasko. Pami-pamilya ang dumadagsa sa Luneta. Ayon sa National Parks Development Committee (NPDC), tinatayang mahigit 5,000 tao ang nagtungo sa Luneta noong Pasko. Karamihan sa kanila roon ay nagpalipas ng magdamag.

Nang sumikat ang araw, wala na ang mga tao. Parang winalis sila. At ang nakadidismayang ta­nawin ang naiwan sa Luneta – maraming basura. Sa paligid ng monumento ni Dr. Jose Rizal, mistulang dagat ng basura ang makikita. Iba’t ibang kulay ng basurang plastic ang naroon – supot na plastic, plastic bottle, styro, sachet ng kape, pinagbalutan ng lechon, cup ng noodles, balat at dahon ng saging, pinagbalutan ng regalo at marami pang basura. 

Nang walisin at tipunin ang mga basura, umabot ito sa 12 truck. Halos ganito rin karami ang basu­rang nakolekta noong nakaraang taon makaraan ang Pasko. Walang pagbabago. Wala pa ring disi­p­lina ang mga nagseselibreyt ng Pasko sa Luneta. Kahit na taun-taon ay nagpapaalala na huwag iwan ang basura, hindi pa rin ito nasusunod at lalo pang dumarami ang nakokolektang basura.

Sabi ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, na-disappoint siya sapagkat hindi na iginalang ng mga tao ang Luneta bilang tourist attraction. Kung gaano raw ang pagsisikap nila para mapaangat ang turismo ng bansa ay winawalang-halaga naman ito ng karamihan. Sa halip na tumulong para mai-promote ang turismo ay ibinabagsak pa.

Kailan matututo at magiging disiplinado ang mga nagseselebreyt ng Pasko sa Luneta? Kahit ulit-ulitin ang paalala na huwag iiwan ang basura, patuloy pa ring ginagawa. Dinumihan muli ang Luneta at maaring dumihan muli sa Bagong Taon. Sana, matuto na at magkaroon ng disiplina ang lahat.

vuukle comment

LUNETA PARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with