^

PSN Opinyon

Holiday Pay and Pay for Holiday

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

UMPISA bukas, Huwebes Santo, may holiday pay ang magtatrabaho hanggang Biyernes Santo. Ayon sa Department of Labor (DOLE) sa Labor Advisory No. 18, bayad ang bakasyon natin bukas at Biyernes – buong-buo na 100%. At kung sakaling mapilitang magtrabaho, magiging 200% ng regular salary ang matatanggap. Kapag may overtime, additional 30% per ora batay sa 200% rate.

Iba ang patakaran kapag Sabado de Gloria dahil ito’y hindi regular holiday kung hindi isang special non-working holiday. Kapag hindi ka magtrabaho, hindi ka mababayaran sa ilalim ng no work, no pay policy. Kapag pumasok ka naman ay regular rate lang ang maasahang tanggapin.

Ang holiday pay sa ilalim ng batas ay hindi para sa lahat. Ang benepisyo ay hindi ipinamamahagi sa government employees, sa mga tanggapan na may kulang sa 10 na nagtatrabaho, sa mga kasambahay, managerial employees, mga contractual, task o commission basis atbp.

May dahilan din kung bakit exempt ang mga kate­goryang ito. Ang mga maliit na tanggapan ay nanga­nganib magsara kapag hindi kayanin ang holiday pay rules. Ang gobyerno naman ay covered ng civil service law at ang pangunahing motibasyon pa rin dapat sa kanila ay ang serbisyo at hindi kita.

Sa Maynila, umpisa ngayon pa lang ay bakasyon na ang mga kawani ng gobyerno dahil sa proklamasyon ni Mayor Joseph Erap Estrada na ginawa itong non working­ day.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BIYERNES SANTO

DEPARTMENT OF LABOR

HINDI

HUWEBES SANTO

KAPAG

LABOR ADVISORY NO

MAYOR JOSEPH ERAP ESTRADA

SA MAYNILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with