^

PSN Opinyon

Train system kailangan ng Pinas

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Kung makukumpleto ang proyekto sa pagtatayo ng Metro Rail System (MRT), idagdag pa ang rehabilitasyon ng Philippine National Railways (PNR) malaking tulong ito sa sistemang pang-transportasyon ng bansa.

Kaya nananawagan ang Malacañang sa Kongreso na madaliin ang pagpasa ng batas para sa bagong charter ng PNR na mawawalan na ng bisa. Kapag nangyari ito, tigil na talaga ang operasyon ng PNR. Limampung taon na ang PNR charter at takdang mawalan na ng bisa sa susunod na buwan.

Ani Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma Jr. mahalagang makaabot sa deadline ang pagpasa ng bagong charter upang magpatuloy ang operasyon dahil importante ito sa mga ordinaryong mamamayan. Nananatili kasi ang partial operation ng PNR kasabay ng rehabilitasyon nito.

Pero madali lang naman marahil ang renewal ng charter. Ang importante ay ang aspeto sa rehabilitasyon. Kasama na riyan ang pagtatayo ng mga bagong riles at pagbili ng mga bagong tren para magsilbi sa mamamayan.

Ibig kong sabihin, huwag sanang pasukan ng mga anomal­-     ya, kasama na ang pagbili ng mga substandard na gamit na magsasapeligro sa mga mananakay. Isang kakilala kong insider kasi ang nagsabi sa akin na tatlong taon na ang nakalilipas, muntik nang makalusot ang isang kompanya na makapag-supply ng pi-pitsuging kahoy na softwood  para gawing timber sleepers ng mga riles. Larch daw ang tawag sa pipitsuging kahoy na ito.

Nakakakilabot isipin na kung nangyari ito, posibleng mala-king trahedya sa perokaril ang maganap. Sabagay iyan ay water under the bridge na, pero kung may ganyang mga pagtatangka, maaari itong maulit kung hindi magiging mapagmatyag ang gobyerno laban sa mga tiwaling opisyal na nag-iisip kung paano magkakaroon ng kickback.

Yakal o molave daw ang karaniwang kahoy na matibay na ginagamit na patungan sa mga riles.

Isa raw kompanya ang nakakopo ng kontrata sa PNR para mag-supply ng bakal at iba pang kakailanganin sa riles. At ang ibinigay daw na kahoy para sa trabyasa tatlong taon na ang nakalilipas, pero  may mga matatalas na mata sa PNR na sinasaluduhan natin na nakapuna rito kaya napigil. Good work! Sana ituloy ang pagiging mapagmatyag.

 

vuukle comment

ANI PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE

HERMINIO COLOMA JR.

IBIG

METRO RAIL SYSTEM

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

PNR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with