^

PSN Opinyon

Truth shall prevail

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI biro ang ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation halos hindi na sila natutulog para alamin ang katotohanan sa kaso ni Vhong Navarro, ang TV host - actor na binugbog dahil sa bebot.

Nagkaroon ng interest ang mga kuwago ng ORA MISMO, na pagkuentuhan ang nangyari kay Vhong dahil ‘talk of the town’ ito sa ngayon kahit saan mga barberya magpunta ang mga kuwago ay usap-usapan ito.

Sabi nga, hot issue!

Habang marami ang nasasabik sa isyung pinaguusapan natin ay nakahanap naman ng kakampi si Vhong sa katauhan ni David Bunevacz, dating atleta at kabakas ni Cedric sa negosyo.

Ikinanta ni Bunevacz ang mga mapait na naranasan nito sa kamay ni Cedric noong nasa Philippines my Philippines pa siya may ilang taon na ang nakakaraan.

Sa madlang people sa Philippines my Philippines kayo na ang magbulungan sa mga naririnig natin kuento lumalabas ngayon.

Kambiyo issue, noong unang mapanood ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa interview sa tv si Vhong ay laking gulat ng Chief Kuwago dahil pasang-pasa ang mukha nito at may mga blackeye kaya naman ang buong akala natin ay gagawa lamang ng isang pelikula ang actor - host comedian na may titulong ‘punching bag?’ Hehehe!

Isang asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang tumawag sa atin at ikinuento ang buong detalye sa ibinibida ni Vhong na ginawa sa kanya kaya naman laking awa ng Chief Kuwago rito.

Nang ipakita sa madlang people ang CCTV footages na nakuha ng NBI mula sa Forbeswood Condominium totoo pala ang ikinukuento ni Vhong na ginawa sa kanya kahit may mga ipinagawa pa rito diumano na dehins niya sinasabi pa.

Ano kaya iyon?

Mukhang nagkababuyan pa?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Huwag na natin pagkuentuhan ang mga nangyari pa sa loob ng condo paulit-ulit na lamang itong ipinakikita, ipinalalabas at binabalita, ang matindi pa rito ay ang mga sinasabing ‘sexual’ stories na namagitan sa kanila ni Deniece Cornejo at mga nambugbog dito?

Ano kaya iyon?

Huwag kang mangulit Kamote, may mga menor-de-edad tayong mga readers!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung anuman ang nangyayari sa batuhan nila ng utot este mali akusasyon pala sa pagitan nina Vhong laban kay Deniece, Cedric Lee et al ang korte ang magbibigay ng hatol kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino talaga ang may kasalanan.

Sabi nga, Truth shall prevail! Tama ba, Donna?

Ang tungkol naman sa mga pulis na naunang nag-imbestiga sa pangyayari. Sila rin ay iniimbestigahan ngayon.

Abangan.

Pera, pera lang - Duterte

INGINUSO ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang Davidson Bangcayan, aka David Tan sa harapan ng madlang public sa Senado yesterday.

Marami ang bilib kay Duterte kaya naman maski si Senator Cynthia Villar ay dalawang beses na tinawag na Senator si Digong. Hehehe!

Naniniwala ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na walang mangyayaring rice smuggling sa Philippines my Philippines kung hindi papayag ang mga official sa isang customshouse at wala ring kasabwat sa NFA.

Itinuro ni Duterte, na ang mga Customs Collector, deputy Customs Collector for Assessment at deputy Customs Collector for Operation ang pumipirma sa mga dokumento o nagrerebisa sa mga ito para makalabas ang shipment sa kanilang customshouse.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro kailangan imbitahan at kuestiyunin din sa Senado ang mga nasabing official para magkalinawan.

Sabi nga, para hindi lamang ang maliliit na empleado sa bureau ang kadalasan nasasabit o nakakasuhan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat ma-lifestyle check ang mga official ng BOC sa mga customshouse na pinagbagsakan ng smuggled rice at kalkalin ang kanilang SALN para magkaalaman na.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

ANO

AYON

CHIEF KUWAGO

CUSTOMS COLLECTOR

DUTERTE

KUWAGO

SABI

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with